Pagkalungkot

7 22
Avatar for Zhamia
Written by
4 years ago

Ang hirap magpanggap na okay ako, pero dinadaan ko nalang sa paglilibang katulad ng pakikipaglaro sa aking anak, panonood ng kdrama o kaya panonood ng blog ng mga sikat na youtuber. Minsan napapawi ang aking nararamdamang lungkot.

Ano nga ba ang minsang nararamdaman kong lungkot? madaming dahilan kung bakit ako ganito, alam ko naman na may sarili na akong pamilya, kung tutuusin nga swerte ko na dahil andyan sila para sakin. Pero bakit ganon may mga bagay akong gusto pang gawin pero di ko na magawa dahil may anak na at asawa na ako, sa totoo lang nawalan na ko ng gana sa ibang bagay, yung dumating na sa puntong wala na din akong masabihang kaibigan, kahit kamag-anak o kahit ang aking asawa hindi ako makapag sabi ng problema o kaya ng aking nararamdamang lungkot minsan, dala lang kaya ito ng hirap ng buhay ?

Minsan napapaisip ako na wala akong kwentang tao sa mundo na to, dati rati may trabaho ako nkakabili din naman ng mga kailangan pero kapos parin. Lalo pa ngayong nagaalaga nalang ako ng anak at taong bahay nalang din. Hindi nalang ako nakakapag sabi sa asawa ko ng nararamdaman ko kase alam kong wala din naman syang pakialam sakin, kaya minsan naiiyak nalang ako. Yung pakiramdam na wala naman akong karamay, pero binabalewala ko nalang ito madalas, sa araw-araw na ginagawa ko gawaing bahay, paglalaba, paglilinis, pagluluto, pagpapaligo sa anak at pagpapakain sa aking anak, yang ang mga paulit ulit kong ginagawa na kahit nakakasawa na ay ako lang din ang kikilos kahit minsan nakakatamad na.

Kinahihiligan ko lang sa pagkakaroon ng raket ay si read cash kung saan kumikita din ako pero nagagastos din, gustuhin ko man ipunin pero hindi talaga kaya hindi din sapat kinikita ni mister dahil madami din utang, hindi ko na din mabili mga personal needs ko dahil alam kong mas may kailangan pa akong bilhin sa bahay at para sa anak ko.

Minsan gusto kong magpaganda pero wala din naman pambili, mas unahin ko nalang talaga pagkain kesa sa magpaganda, kase sa totoo lang ayoko din pabayaan ang sarili ko, ayoko na din kase humingi sa asawa ko dahil alam ko namang hindi nya din naman maibibigay mga gusto ko. Naiiyak ako sa pagkakataon na to, dito ko lang nailalabas ang hinain ko sa buhay kahit na alam kong walang nakikinig sakin. Ang hirap maging tao, kaya pakiramdam ko ang malas ako at walang kwenta.


8
$ 0.13
$ 0.13 from @TheRandomRewarder
Avatar for Zhamia
Written by
4 years ago

Comments

Nakakalungkot naman 'to.. 😢 Naiinis ako sa mga lalaking walang pakialam sa asawa nila eh! Ung para bang may sariling mundo? Tapos kapag gustong umiskor makakaiskor nalang basta-basta?! Mommy, just a piece of advice, maybe nasanay na sya ng ganyan.. try mo ibahin din minsan? Like dapat mag-uusap kau palagi.. tapos pag-usapan nyo ung tungkol sa family nyo at kung papaano kayo makakapagtulungan sa isa't-isa. Kung mapansin mo na ayaw nya magbigay ng panahon na makipag-usap sayo? Feeling ko hindi na yan maganda. Ikaw lang lagi mahihirapan..

$ 0.00
4 years ago

Salamat sa pakikinig sis, wala na din akong ibang masabihan baka kase isipin nila ang OA ko, kaya dito nalang ako nag oopen sa read cash. salamat sa payo mo ha, akala ko lahat ng tao magiging concern sa nararamdaman ko, pero ako lang din ang iintindi sa kanila, ewan ko ba nasanay na kong ganito, dko alam kung bakit akong pinanganak ng ganito.

$ 0.00
4 years ago

Well kalimitan talaga pag Ina na syempre mas matiisin na.. cheer up! Make a social life po. Okay lang magbigay, wala din naman masama umintindi. Pero I'm sure gusto ni God na maging masaya ka din..

$ 0.00
4 years ago

Yes sis masaya naman din ako kase andyan si anak ko, hindi lang kase tulad ng dati na nakakapg social life pa ko except now bahay nalang talaga at kasama ang baby.

$ 0.00
4 years ago

Yes. Ganyan talaga pag full time mother. Basta! Make your self happy kase you don't deserve to be sad. I will subscribe to you po. Please subscribe me back. Keep in touch! 😊

$ 0.00
4 years ago

Mas maganda i share mo ung mga nasa isip m sa iyong asawa malay mo mahintindihan ka nya at matulongan.. Wag mo kimkimin ang mga nararamdaman mo.. Kc lalo lang bibigat

$ 0.00
4 years ago

salamat sa advice sis, ewan ko ba nasanay na ako naging indipendent din kase ako simula nung nag work ako sa manila.

$ 0.00
4 years ago