Naranasan nyo na ba na gumawa ng gawaing bahay mag isa? Yung tipong may kasama ka sa bahay pero sila mismo ang hindi tumutulong sa gawaing bahay.
Ako kahit may asawa na hindi ko naramdaman na maging prinsesa, maliban nalang kung mag kakasakit ako.
Sa totoo lang nahihirapan din ako bilang isang magulang, lahat sa akin, ang hirap pala maging ilaw ng tahanan pero kinakaya ko dahil sa anak namin. Dati nag rereklamo ako na kesyo ako nlang lagi ang gumagawa. Pero now nasanay nako ako lahat lahat.
Pero minsan nakakaramdam din ako ng pagod at pagtitiis. Lahat pala ng ito ay isang challenge sa buhay ko. Sana kayanin ko pa, sana maappreciate din nila lahat ng ginagawa ko. Masaya kung masaya pero minsan nakakawalang gana na talaga ang mabuhay. Pero dahil sa may anak na ako, nagiging matibay ako at mas lalo pang tumitibay.
di ako sanay sa gawaing bahay kaya madalas ako madiwara ng nanay hahaha.