Isang bagay ang aking natutunan hindi lang sa loob ng aming pamamahay, ito ay ang matuto din sa loob ng paaralan. Ang daming naging karanasan sa pag aaral, dati rati gusto lang natin mag laro ng mag laro para lang malibang.
Natututo akong makisalamuha sa mga kaibigan, kaklase at mga guro sa paaralan, madami din naging insipirasyon sa pag aaral, may mga nakukuha din akong akademya sa paarala, naging parte din ako ng isang club, maging isang sekretarya sa isang klassroom, at maging isang officer ng CAT. Nakakamiss talaga ang lahat dahil naging parteko na ng buhay ko ang pag-aaral.
Sa kabila nito ay, may mga hinangaan din ako at humanga din sa akin ng hindi ko masyadong kilala. Ang sarap lang sa pakiramdam na may ganoong klase at karanasan. Isa naman sa mga nagustuhan ko ang pagiging isang sekretarya ng classroom, kahit na nakakapagod din ang mag sulat sa pisara ay naeenjoy ko parin ang karanasan na iyon.
Maging ang pagiging CAT officer ay isa sa pinakamalaking hamon na aking buhay high school, ang sarap lang din sa pakiramdam na kahit mahirap ang mga hamon na binibigay ay madami at naging disiplinado din ako sa aking sarili, kasama ang aking mga malalapit na kaibigan, sila din ang naging pangalawang pamilya ko sa hirap na mga hamon, pag dadamayan sa mga oras na wala ka, at pagkakaisa ng isang mabuting kaisipan at may pagmamahalan ng bawat isa.
Hindi ako nag sisi na sumali sa isang club ng CAT dahil kapag gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan para makasali dito, dahil gusto ko din disiplinahin ang mga batang estudyante na na matuto din sila isang araw.