Ako Simpleng Tao Lamang

0 13
Avatar for Zerlin2
3 years ago
Topics: Life, Lessons, Thoughts

Ako ay simpleng tao lamang. Ang aking hinahangad ay mapayapang buhay at buhay na sumasamba sa Kanya. Madalas na rin akong sumusubok ng ibang pamamaraan pero sadyang dito lang tayo nagkakaroon ng katahimikan.

Sa mundong ating ginagalawan ngayon, marami tayong maaaring mapaglibangan subalit ay iisa pa rin ang ating mithiin--ang makamtan ang kapayapaan sa ating buhay. Nandiyan Ang cellphone, Ang computer, mga iba pang makabagong libangan. Maganda naman ang mga ito pero isaulo pa rin ang naaayon sa kaligtasan ng ating katawan. Siguruhing hindi tayo ang pinapaikot ng mga ito kundi ito ay ating ginagamit para lumuwag ang ating buhay.

Tayo ay nilikha na simple lamang. Ipinanganak tayo, lumaki, nabuhay, hanggang sa dumating sa puntong tayo ay naghahangad na lamang ng kapayapaan.

Tuwing aking inaalala ang aking naging buhay, marami akong gustong pagsisihan ngunit ako ay pinagpala Niya kaya naman ay aking susundin ang Kanyang utos.

Noong bata ako, masasabi kong ako naman ay masunurin sa aking mga magulang. Ipinagpatuloy ko iyon hanggang sa aking paglaki. Dahil doon, nakapagtapos naman ako ng aking pag-aaral. Baon ko ang mga payo ng aking mga magulang at isa na doon ang pagiging simple lang.

Sa mga kabataan, aanhin pa natin ang mga kabulastugan ng mundo. Tiyakin nating tayo ay umaayon sa mga magagandang prinsipyo at malayo ang ating mararating. Sa huli wala dapat tayong pagsisisi na mararamdaman.

Ngunit paano nga ba maging simple? Iyon ba ay kumain lamang at matulog?

Maging maligaya lamang sa kung anong meron ka at iyon na ay sapat na. Kung kaya mong ipagkasya kung anong hawak mo, do maglalaon at magkakaroon ka ng kita.

Huwag padadala lagi sa emosyon. Gamitin din ang utak. Manalangin at humingi ng gabay sa Kanya.

Bakit nga ba ito ang aking naisipang isulat? Marami akong ideya na gustong ilabas. Ngunit hayaan ko munang dumating ang tamang pagkakataon.

Nawa ay ako ay makakapagbigay-aral sa inyong lahat sa pagpapatuloy ng aking nasimulang pagsusulat sa platapormang ito.

Salamat po sa pagbabasa ng aking artikulo. Kung mayroon ka mang gustong idagdag mag-iwan lamang po ng mensahe sa ibaba. Huwag mag-alinlangang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagkokomento Kung mayroon man laying nais na ipasulat na paksa. Ako ay bukas pala para diyan.

1
$ 0.01
$ 0.01 from @ZerlinMorareng
Avatar for Zerlin2
3 years ago
Topics: Life, Lessons, Thoughts

Comments