Sa buhay ng tao madaming pagsubok na pinagdadaanan minsan mahirap minsan madali. At sa mga pagsubok na to minsan dumadaan ang aking pagiging mahina kaya naman hindi ko mapigilan ang aking luha. Sa panahon ngayon na napakaraming pagsubok ang binigay sa amin ng panginoon lalo na ngayong 2020. Una sa mabigat na pagsubok sa aming lahat ay ang hindi inaasahang pangyayare na biglang pumutok ang aming bulkang taal. Noong mga panahong yun walang wala kami hindi namen alam kung paano kami hindi namen alam kung san at kung paano ka i makakaligtas. Halos tumulo ang luha ko sa sinapit naming mag anak lalo na ng nangyare iyon ay wala kang katuwang sa buhay dahil mas inuna pang iligtas ang kanyang ina kaysa sa sarili niyang pamilya lalo pa at may kasama kaming dalawang bata. Hindi ko mapigilan ang luha ko ngunit kailangan kong maging malakas para sa mga anak ko at sa aking mga apo. Kung magiging mahina ako paano na kami wala na akong iba pang maaasahan. Ang luha ko halos maging putik dahil sa mga abo na ibinabagsak ng bulkan. Hindi lang naman sa problema tayo lumuluha meron din na kaya tayo lumuluha dahil sa masaya tayo. Lumuluha tayo dahil sa kagalakan ng ating puso at sa tuwa na ating nararamdahan. Likas na sa ating mga tao ang lumuha kaya naman wag tayong mahihiyang lumuha kahit nasaan man tayo kahit kaharap natin ay kung sino pa man dahil ang pag luha ay hindi laging kahinaan kundi minsan itoy kalakasan din.
1
4