Si Aling Tess at Sol!

10 21
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Hello readcash fam! Magandang buhay! Its been a month na hindi ako active dito. Kamusta naman po kayo? I hope everybody is doing fine despite of what we are experiencing today. I am happy na nakalabas na ang bagyo Florita sa ating bansa and I am praying na ligtas po tayong lahat lalong-lalo na sa mga nasalanta ng bagyo. Keep safe po tayong lahat.


Well today may gusto lang po akong itanong. Bakit kaya minsan nasasabi nating okay lang kahit hindi naman pala okay? Isa ba itong kasinungalingan or pagkukunwari lamang? Halimbawa kaninang umaga may isyung naganap dito sa aming kapitbahay na sina Aling Marisol at Aling Marites (hindi nila totoong pangalan) ay nag-away dahil si Aling Marisol ay nanghiram ng gamit kay Aling Marites. Ayon kay Aling Marites iyong gamit na iyon ay bagong-bago pa lamang ng ibigay niya iyong gamit kay Aling Marisol. Kitang-kita ang dismayado ni Aling Tes ng ibalik ni Aling Sol iyong gamit na sira na. Pero kahit ganun sinabi ni Aling Tes na okay lang iyonl. Nag offer si Aling Sol na palitan na lamang iyong gamit pero sabi niya huwag nalang okay lang daw.

Makalipas ng isang araw may nakapansin na may sira iyong hiniram ni Aling Sol at tinanong kung sino ang nakasira ng gamit na iyon. Sinabi ni Aling Tes na si Aling Sol. At marami siyang sinabing negatibong bagay tungkol kay Aling Sol na careless daw siya, hindi marunong gumamit ng maayos lalo na kung hindi sa kanya. Next time daw hindi na siya magpapahiram ng gamit kay Aling Sol. Lesson learned daw iyon sa kanya.

Hindi alam ni Aling tes na bff ni Aling Sol iyong nagtanong. Ito namang bff ay nagsabi kay Aling Tess na careless daw siya sa mga gamit na hiniram. Doon nagsimula ang kanilang away at nagkaroon na ng barrier sa kanilang pagkakaibigan.

Hindi nagkaayos ang dalawa dahil parehas silang mapride at nasaktan sa nangyari ngayon wala na silang kibuan.


Sa kwentong ito ay naalala ko tuloy si Mama at ang kanyang kapatid nag-away din sila dahil lang sa gamit. Iyong hiniram kasi ni Mama sa kapatid niya ay pinahiram sa iba at hindi na binalik.

Sa kwento sa itaas sino ang dapat kampihan sa dalawa si Aling Sol na humiram ng gamit o si Aling Tess na nagpahiram ng gamit.

Para sa akin ay si Aling Sol humingi naman siya ng tawad kay Aling Tess at nag offer pa na papalitan na lamang niya pero si Aling Tess ay humindi at sinabi niyang okay lang.

Ibig sabihin lang nito si Aling Tes ay hindi nagpakatotoo kay Aling Sol. Hindi magandang tignan na ikaw ay naninira sa kapwa mo lalo kung hindi naman sinasadya.

Feeling ko magkikibuan din sila in the future kasi magkapitbahay lang sila at parang walang namang iba sa kanila lol. Uso na ngayon iyong away bati di ba hehe

3
$ 0.33
$ 0.33 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Comments

Minsan po sinasabi ng isang tao na okay lang para hindi makasakit ng ibang tao. Pero sa case po nilang Aling Tes at Aling Sol ay parang mali po yung nagpahiram ng gamit. Sinabi naman po ng isa na papalitan nya pero tumanggi po. And then kinabukasan ay chinismis na sa ba hehehe.

$ 0.00
1 year ago

Hahaha parang may pagkaplastic no..

$ 0.00
1 year ago

Opo sana sinabi nya na lang yung totoo at pinapalitan nya na lang po talaga.

$ 0.00
1 year ago

Hello sis welcome back. Sa wakas nakabasa na naman ako ng article mo sis. Me too sis I'm happy na nakalabas na yung bagyo. Grabe din ulan dito nung may bagyo pa.

$ 0.00
1 year ago

Umaraw na ba sa inyo sis? Ingat tayong lahat hehe!

$ 0.00
1 year ago

Umaraw na sis bumalik na yung init yun nga lang masakit sa ulo pag mainit sis.

$ 0.00
1 year ago

Buti naman umaraw na diyan dito ang hirap magpatuyo ng damit hehe makulimlim

$ 0.00
1 year ago

Ulan pa rin hanggang ngayon diyan sa inyo pala sis. Dito ang init na sis. Mas gusto ko may kunting ulan para hindi sobrang init.

$ 0.00
1 year ago

Oo sis pero keri naman hehe

$ 0.00
1 year ago

Baka bukas sis iinit na sa inyo. Makapag patuyo ka na ng damit sis.

$ 0.00
1 year ago