Pasahan ng responsibilidad

14 21
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Hello ReadCash! May narinig akong storya mula kay anti na may mga magulang na sobrang dependent sa mga anak. Alam niyo iyon pinapasa ang responsibilidad sa mga anak nila tapos ang katwiran nila ay kung wala sila wala din tayo sa mundo.

May kilala din ba kayong magulang na ganito? Naiiyak na naiinis ako sa mga magulang na ganito. Wala tayong kaalam-alam na mabubuo tayo in the beginning right? May mga magulang na parang utang na loob kung bakit tayo nabubuhay sa mundo.

Naiintindihan kong may mga magulang na nakakapagsabi ng masama kapag galit sila. Pero excuse ba iyon para pagsabihan ang isang anak na ng masama? Hindi ba dapat minamahal ang isang anak? Christmas na pero itong mga naririnig kong storya ay nakakaiyak.

Oo, malaki ang sakripisyo ng isang magulang pero hindi naman dapat iaasa na sa mga anak lahat-lahat di ba? Lalo na kapag may pamilya na ang isang tao. May limitasyon ang pagtulong at hindi masamang tumulong kung mayroon ka. Ang masama kahit walang-wala ka pinipilit ka nilang magbigay.

Kung may pamilya na ang isang tao, huwag ka ng mag-expect ng gaya ng dati na po full support kase may iba ng responsibilidad ang isang tao. Kung may pamilya na ang isang tao medyo expect mo ng pwedeng hindi na siya makapagbigay kung makapagbigay magpasalamat nalang kasi naalala ka pa niya.

Huwag mong pilitin ang isang anak na tumulong at gawin ang responsibilidad ang isang magulang, dahil responsibilidad ng magulang yan. Hay naku bakit hindi nalang magtulungan ang isang magulang at anak para makaalwan sa buhay. Hindi iyong singil ng singil ng sakripisyo sa isat-isa. Medyo toxic pag ganito ang pamilya pero maaayos ito kung may pagkakaintihan at pagmamahalan hindi iyong pasahan-pasahan ng responsibilidad sa tao na hindi naman dapat.

6
$ 3.10
$ 3.06 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Winx1988
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Hindi dapat ganyan mindset ng mga magulang. Paano makakaipon ang anak dapat kusa hindi yung sapilitan. Responsibilidad ng magulang na gabayan ang anak at maging magananda ang kinabukasan.

$ 0.00
2 years ago

Oo ngapo kaya medyo nalungkot ako ng marinig ang storya ni anti😢

$ 0.00
2 years ago

Hindi din ako sang ayon sa gamyang mentalidad. Buti nkng hindi gnyan mama ko.

$ 0.00
2 years ago

Buti naman po😊

$ 0.00
2 years ago

Dapat di ganun yung mindset ng mga magulang. Hayaan nilang magbigay ng kusa yung anak, huwag i pressure sa isang responsibilidad na dapat ay sa mga magulang.

$ 0.00
2 years ago

Tama po😊

$ 0.00
2 years ago

Pwede naman tumulong pero wag e pressure,kasi mas maganda tumulong ng kusa.Hindi naman investment and mga anak eh,pero kakalungkot may mga taong ganon talaga.

$ 0.00
2 years ago

Nakakalungkot ngapo eh😊

$ 0.00
2 years ago

Ganyan parents ng husband ko.. at opposite sa parents ko

$ 0.00
2 years ago

Aaaw mahirap po ganyan🙂

$ 0.00
2 years ago

May iba nga sis anak ng anak dahil iniisip nila na kapag maraming anak magiging magaan na ang buhay kapag mayroon ng trabaho kahit hindi na naibigay ang pangangailangan ng isang anak kaya kadalasan yung mga palaboy sa daan kasalanan yan sa mga magulang na pabaya.

$ 0.00
2 years ago

Reply Yun nga eh hindi nila iniisip kinabukasan ng anak nila🙂

$ 0.00
2 years ago

Hihihu ganyan parents ng asawa ko 😅 Subrang toxic ng culture ng pamilya nya sa father side. Kagaya kahapon, tumawag kapatid niya tinatanong siya if di ba daw magbibigay asawa ko ng pambirthday ng lola nila dahil mga apo daw ang maghahanda ngayon. Di nila inisip na may mas dapat unahin kesa sa birthday. Alam naman nila na apektado ng bagyo yung pamilya ko pero yung luho nila iniisip nila. Kaloka.

$ 0.00
2 years ago

Ay ganun po medyo dependent sila sa mga anak/ apo nila noh?

$ 0.00
2 years ago