Dear: Friend/Soon to be Mr.wrong or right?,
Naka online ka 10 minutes ago pero wala kang chat anyway gusto ko lang ikwento yung karanasan ko today.
Alam mo ba registered resident na ako dito sa Maynila? Pero ang epic lang kasi alam kong schedule ko today para magparegister sa comelec pero late akong gumising pero tinuloy parin namin ang pagpunta sa comelec. Nagbabakasakali lang kami baka makaabot pa kami. Sinisisi tuloy ako ng aking mga kapatid kung bakit late kami. Eh hindi nila ako ginising eh haha palusot pa more.. Eh kasi daw nagkape lang sila hindi na sila nakakain eh ako din naman na, kung makapagreklamo sila nakakain ako parehas lang naman kami haha.
Ayun dahil late na kami, hindi na kami nakapagbaon ng kahit tubig manlang. Swerte kami kasi nakaabot kami sa 100 na applicante. Stricto sila talagang 100 na katao lang ang tinatanggap nila kada araw. Nasa 71-73 yung number namin kasi tatlo kami. Nakakaawa nga yung iba eh kasi pinapauwi agad nila yung mga hindi nakaabot. Gusto kong ibigay yung slot ko sa isang ale kasi malayo pa daw yung pinanggalingan niya kaya lang iniisip ko baka wala na akong kasama sa susunod kaya pinabayaan ko na lang yung ale. Ganun kasi yung mga employee doon walang daan ang paki-usap naiintindihan ko naman gusto lang nilang maging fair sa mga umagang dumating. I think yung iba madaling araw palang nandoon na nakapila na sila.
Pagkabigay yung number namin may oras palang nakalagay doon. Nakuha namin yung number namin mga 7:30 ng umaga pero yung oras ay 1-2 pm kaming dalawa ng kapatid ko pero yung isa kong kapatid ay 2-3 pm. Ano ba yan saan kami magtatambay eh isang sakayan din pag umuwi pa kami. Yung isa kong kapatid gustong umuwi kasi nagugutom daw tutal naman alas dos palang daw yung schedule niya. Eh pwede naman kumain nalang sa tabi-tabi ang arte din eh noh. Pero hindi ko na siya pinayagan kasi hassle din yon baka hindi na niya mahabol yung oras mas mabuti na yung sigurado kaysa maging alanganin pa siya. Buti nalang nakinig naman siya sa akin akala ko magmamatigas pa siya kasi ganun naman siya lagi. Kung nagmatigas siya pauuwiin ko talaga siya bahala na siya haha joke
.
Napagpasyahan naming magtambay nalang sa harap mismo ng comelec para lagi kaming handa. Marami kasi ang nagsiuwian, akala namin pag wala yung applicant pag tinawag ang numero ay mag-aabante kami hindi pala talagang sinunod yung oras na nakalagay sa stab namin. Ano ba yan! Nakakainip kasing maghintay minsan eh gusto natin minsan yung panandalian nalang para matapos na agad ang paghihintay at paghihirap. Haha aminin nakarelate ka noh pero wala talagang takas kasi stricto sila.
Bandang alas dyes nakaramdam na ako ng gutom pero mga kasama ko hindi pa daw eh kanina lang ay may nagrereklamo na sa kanilang gutom na sila. Tubig nalang daw ang bibilhin ko sa kanila, edi okay sabi ko naman. Ako nalang yung lumabas kasi tinatamad na silang lumabas. Gusto kong maglugaw kaya lang nakonsensiya akong ako lang ang kakain kaya naghanap pa ako ng iba. Nakakita ako ng kape parang gusto ko din magkape haha
ang epic kolang haha ang init na nga eh, hay naku! iba din minsan mga trip ko eh noh!wala sa lugar
tapos bili nalang ako ng tatlo, kaya lang paano ko siya bibitbitin baka mapaso pa ako. Sa huli banana cue nalang yung binili kong meryenda namin yung medyo malakihan na, talaga kasing nagugutom na ako. Yung dalawa kong kapatid na hindi daw gutom eh ang bilis nilang nakain. Wow ha di daw gutom! Kaloka sila ha!
Nakaramdam ako ng relief after kong makakain. Dahil matagal pa ang oras gusto ko sanang maglibot-libot sa palengke alam mo na magtingin-tingin ng mga damit, sapatos at sandals, bag at marami pang iba, kahit hindi naman ako bibili haha. Alam mo na dating gawi. Pero mga kapatid ko kontrabida sa lahat.Nahihiya daw sila pag ako kasama nila sa palengke. Grabe naman sila kung makapanghusga ang saya kaya, yung magtingin-tingin. Gusto kasi nila pag hinawakan na at tinanong mo na ang price eh bibilhin na. Haay boring silang kasama talaga kaya huwag nalang KJ sila pagdating diyan.
Hindi ko namalayan tanghalian na pala at medyo malapit na yung oras namin para maasist na kami.Tinanong ko sila kung gusto nilang kumain muna, Aba! Himala hindi daw sila nagugutom. Ganun din naman ako at tinatamad na akong lumabas. Ako hindi ko naramdam na gutom ako kasi nag-eenjoy akong nagbabasa ng wattpad. Yes buti nalang may nadownload akong storya, yan yung ginawa ko pampalipas oras pero mga kapatid ko nabobored na, kasi wala silang internet haha kawawa naman sila.
Shortcut ko na yung storya. Alas tress na kaming natapos kasi 2-3pm yung oras ng isa kong kapatid talagang sinunod ang oras pero okay na din kasi sa wakas natapos na din. Fully registered na kami at may pagkakataon na kaming makaboto sa susunod na halalan.
Pero alam mo nakakapagtaka yung banana cue naging sapat yun maghapon sa amin. Akalain mo yun meryenda na naging sapat pa sa tanghalian. Hindi kami nahilo o nanghina manlang . Kaya pala namin kahit hindi na kami kakain ng kanin. Masaya na din ako kasi nakasave ako kahit papano ngayon sa pagkain. Sabi ng kapatid kong isa naging sapat daw yung banana cue kase wala naman daw kaming ginawa kundi umupo maghapon.haha basag trip
din eh noh.. Sabi ko naman, eh bakit sa school nagugutom ka kahit 2 hours kalang umupo nagugutom ka na. AAAH basta bilib ako sa banana cue ni ateng masustansya at nakakabusog period.
Hai friend dito mo nalang basahin yung naging flow ng araw ko today. Ang saya may isa na akong viewers ikaw yun haha. Matanong ka kasi kaya kinuwento ko na.
Thanks in advance!