Para makatipid ngayong pandemya magtanim ka ng halaman sa iyong tahanan

0 163
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Ngayong pandemya kailangan nating maging madiskarte sa buhay dahil doble ang hirap na ating nararanasan dulot ng covid-19. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil maraming kompanya ang nagsara. Marami sa kanila umaasa nalang sa mga ayudang dumarating. Pero paano na ang buhay kapag wala ng ayudang dumarating? Mabubuhay paba sila? Saan na kaya hahantong ng buhay ng karamihan kung limited nalang ang opportunidad na mayroon sila?

Ang mga Filipino ay likas sa kanila ang pagiging madiskarte sa buhay. Sanay sa hirap at masinop sa buhay. Ngayon pandemic nauso ang online selling/business at pagtatanim ng mga halaman. Marami sa kanila ang umasenso dahil kanilang ginalingan at sinipagan. Kahit ganitong pandemic marami sa kanila ang hindi nagpatalo sapagkat tuloy pa rin ang buhay kahit anong mangyari.

Ngunit marami pa rin ang naging kapos at umaasa sa ayuda ng gobyierno. Pero ito ay hindi naging sapat sapagkat ang " Enhanced Community quarantine o ECQ" ay tumugal ng ilang buwan. Ang ECQ ay ang pinakamahigpit na quarantine dito sa Pilipinas kung saan bawal lumabas. Pwede lang lumabas kapag bibili ng pagkain. Dahil dito marami ang huminto sa trabaho sapagkat ipinagbabawal ang kumpulan ng mga tao. At kailangan sumunod sa lahat ng protocols para mapangalagaan ang sariling ligtas sa virus.

Itong nakaraang buwan nauso ang "pantry- kuha ka ayon sa pangangailangan mo." Ito ay libre lamang at karamihan sa mga binibigay ay mga itlog, mga gulay at tinapay. Malaking tulong ito sa karamihan dahil kahit papano may makakain sila.

Marami mang pangarap ang sinira ng pandemyang ito patuloy pa rin ang iba sa pakikibaka sa buhay. Pagkat naniniwala ang lahat na habang may buhay may pag-asa. Ngayong pandemic ngayon dapat maging madiskarte sa buhay. Ngayon dapat nagtutulungan at nagmamalasakit sa lahat ng pagkat ang Pilipino ay iisa at sama sama.

Ngayon pandemic matutong maging "producer not a consumer always" para makatipid kahit papano. Dahil sa mahal ng bilihin wala ng nabibili ang isang libong piso.Kaya naman karamihan sa mga Pilipino ay natutong magtanim ng gulay sa kani-kanilang tahanan.

Marami ang benepisyo ng pagtatanim ng gulay sa bakuran hindi lamang sa makakatipid kundi maganda sa kalusugan ang preskong gulay. Makakatulong din ito para hindi na masyadong lumabas-labas ng bahay kundi sa bakuran nalang.

Bakit magandang gawin ang pagiging producer kaysa consumer? Kapag "producer" ka ikaw yung boss malaya kang gawin ang nais mong gawin sa iyong produkto at nakakatipid sa maraming bagay. Kapag "consumer" ka tagabili ka wala kang kontrol sa produkto kaya medyo mahirap mag ipon minsan. Kung may pagkakataon para maging "producer" gawin na para ang asenso sa buhay ay mabilis.

Ngayong pandemya marami ang naging "producer" marami ang nag online selling, marami ang humilig sa pagtatanim ng mga halaman at gulay . Malaki ang maitutulong kapag naging producer ka kahit mga gulay manlang sa iyong tahanan at mairaos manlang ang ulam niyo araw-araw. Ang kagandahan pa nito ay preskong gulay maganda sa kalusugan. Kung hindi kayang maging producer ng mabilisan pwedeng unti-untiin hanggang sa ito ay lumago at kaya ng suplayan ang kapitbahay. Ang maging producer sa iyong tahanan ay malaking tulong na yun sa pagbabago ng buhay. Nabago na ang buhay nakakain ka pa ng masarap.Ang maging producer ngayong pandemic ay nakakatulong sa pagsugpo ng virus sapagkat hindi kana lumalayo sa iyong tahanan.

Kapag may halamanan malapit sa iyong tahanan hindi mo na kailangang pumunta sa palengke para makipag agawan ng preskong gulay sapagkat nasa iyong tahanan na. Hindi kana maiinitan at mahihirapan pa sapagkat nasa harap mo na ang kailangan mong bilhing gulay. Mas maganda pa rin kapag ikaw ang nagproduce ng gulay para masigurado ang kalidad nito marami na kasi ang gumagamit ng non-organic fertilizer sa pagpapalaki ng halaman. Para mapanatili ang sustansya ng gulay gumamit organikong pampataba.

Ngayong pandemic kailangan ng maging madiskarte sa buhay para mabuhay. Huwag iasa ang lahat sa gobyierno sapagkat ang gobierno ay nagkukulang na din.Imbes na umasa gumawa ng paraan para tulungan ang sariling mabuhay ng ligtas at healthy.

1
$ 0.43
$ 0.43 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments