Manny Pacquioa nangampanya sa bayan ng Caloocan. Pasado Alas Quatro ng hapon (4pm) ng mapadaan siya sa Langaray or palengke ng nasabing lugar.
Si Pacquioa ay kasalukuyang senador at lumalaban sa posisyon ng pag ka presidente ng bansang Pilipinas. At siya ay kilala bilang pacman at sikat na boksingero.
Samantala, habang namamalengke ang mga tao, sila ay nag-ingay at nagulat ng makita ang motorcade mula sa kampo ng nasabing kandidato. Kanya-kanyang camera ang mga tao ng makita si pacman na kumaway-kaway at nakikishake-hands sa mga tao.
Namigay din sila ng ID card kung saan makikita ang bandera ng Pilipinas, si Pacquioa na may kayakap na ginang at may mensaheng panalo ang mahirap. May nakalagay ding "LIBRENG PABAHAY, TRABAHO, AT KABUHAYAN"
Sa likod ng card ay kailangang sagutin ang mga sumusunod: pangalan, address, contact number, birthday, ilagay ang signature at maglagay ng 1×1 ID picture. Nakalagay din ang dalawang numerong dapat kontakin ukol sa proyektong ito.
Todo suporta din ang asawa ni Pacquioa na si Jinky Pacquioa at ang kanyang inang si Aling Dionisia Pacquioa. Nagbigay suporta din si Anabelle Rama kung saan nakita siya sa motorcade.
Komento ng mga tao hindi nila akalaing napakaganda pala ng personal ni Jinky Pacquioa pwedeng ilaban sa mga naggagandahang artista.
Wala po akong kuhang pictures dahil hindi ko dala ang aking cellphone baka kasi maisnatch wala akong pambili lol. Pero saksi ako sa kagandahan ni Jinky Pacquioa kung maganda na siya sa TV mas maganda siya sa personal.
Hanggang dito nalang po. Goodnight po!
Para saan kaya yung card anoh? Hindi ko alam kung nangampanya na si Pacquiao dito sa cavite, pero I think kahit mangampanya siya di ko din naman sila makikita 😅. Good luck nalang sa kanya.