read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Hoping for more oppurtunities this coming month!

Hello readcash Fam! Grabe ilang minutes nalang november na. Kamusta ang journey niyo this october? Ang bilis ng araw talaga, sana ganun din kabilis mawala ang covid pero pakiramdam ko kung gaano kabilis ng araw ganun ding kabilis lumaganap ang virus. Nakakasawa ng pag-usapan ang covid pero kahit ganun patuloy po tayong mag ingat dahil hindi natin nakikita ang ating kalaban. Huwag nating kalimutang magdasal dahil ang Diyos lamang ang tanging makakatulong sa atin ngayon. This coming month, sana lahat tayo'y makamtan na lahat ng ating mithiin sa buhay. Kahit may pandemic kailangan nating ipagpatuloy ang ating buhay dahil hindi dito natatapos ang ating buhay. Kaninang hapon medyo umulan siya ng konti at maraming tao ang nasa labas at isa na ako doon. Pumunta ako sa mall dahil kailangan ko ng bumili ng shampoo, colgate mga personal used ko dito sa bahay. Sa aking pag-uwi umuulan pa din at medyo hapon na. Sa aking paglalakad, nakita ko ang dalawang aleng naglilinis ng kalsada kahit umuulan may dala lang silang pahong sa kanilang ulo. Medyo naawa ako sa kanila dahil umuulan nat lahat ginagawa pa rin nila ang kanilang trabaho, ganun sila kadedicated sa kanilang work. Nakita ko sa kanila ang pagod at hirap. Doon ko napagtanto na mahirap na ang ating kalagayan ngayon pero hindi dapat tayo panghinaan ng loob dahil naniniwala akong may rason ang lahat ng ito. Sa darating na buwan, sana maraming opportunidad na maoopen para sa lahat ng tao. Mahirap kase iyong kahit umuulan nagtratrabaho sa labas, dahil wala kang choice kinakaya mo nalang ang hirap. More opportunities coming for us this coming month para naman sana guminhawa ang ating buhay.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.