Just a Reaction to what I am reading🙂
Hello! Magandang Umaga! May binabasa akong medyo relate ako hindi ko hinanggaan hanggat nasa dulo na ako. Sa kasamaang palad wala pang wakas kada two days ang update nito. Marami akong gawain pero sinisingit ko talagang basahin. Alam kong galit na sila Mama sa akin dahil minsan magbasa nalang ginagawa ko mag-hapon. Inakala nilang may iba na akong ginagawa dahil lagi kong hawak ang aking cellphone. Gusto kong maglagi sa readcash at dito nalang magbasa ng ibat-ibang stories pero dahil sa hina ng internet hindi naoopen readcash account ko tuwing gusto kong magbasa. Kapag nag-uupload ako nakiki hotspot lang ako kahit may load naman akong pang internet. Hindi talaga sulit ang load dito sa amin. Kaya pasensiya po kung lagi akong wala. Anyways, ang artikulong ito ay reaction lamang sa binabasang kong kwento. Doon sa kwento may taong nagmamaskara lang natatakot maging mahina dahil na din a karanasan sa nakaraan pero kahit ganun may mga tao pa din sa paligid niya na hindi niya inaasahang tanggap siya at handang intindihan siya. May dalawang magkaibigan mataray at masungit ang isa. Isa sa kanila ay walang filter ang bibig kahit nakakasakit ang mga salita niya ay sinasabi niya pa rin dahil sa paningin niya iyon ang tama. Pero kung magmahal ay wagas naman mataray lang siya dahil ayaw na niyang apakan siya ng ibang tao. Nagtapang-tapangan siya pero may kahinaan din parang gusto niyang kamuhian siya ng tao sa paligid dahil ayaw niyang maatach ang feelings niya sa ibang tao dahil takot na siyang mawalan at masaktan ulit. Dahil sa karanasan niya naging aloof siya sa mga tao pero may isa siyang kaibigan na kahit anong sabihin niya iniirapan nalang at sinisita para silang nag-aaway pero hindi. Naging magkaibigan silang dalawa at nagtutulungan sa lahat ng bagay. Doon sa kaibigan naman niya pangit din ang karanasan sa buhay dahil iniwan siya ng kanyang ama at inakala ng lahat nambabae ang kanyang ama at pinagpalit sa mas mayamang pamilya. Sa tanang buhay niya lagi siyang linalait pero hinayaan niya lang dahil wala naman silang maiaambag sa kanyang buhay. Pero may pagkakataon na lumalaban siya dahil kapag dinadamay ang kanyang ina doon siya lubos nasasaktan at hindi niya maatim pati ina niya ay makatanggap ng kamuhian gayong wala naman silang alam sa kwento ng buhay nila. Minsan napapagod na siya mabuti nalang marami siyang kaibigang mayayaman hindi siya minata at hinugashan. Mataray siya na mbait at magaling makisama. Sa kaibigan siya nakahanap ng tunay na pamilya kaya sobra siyang nagpapasalamat na mayroon pa ring taong tanggap siya. Sa ating buhay kailangan nating maging matapang dahil kung magpapaapekto sa sasabihin ng iba wala tayong maaabot sa buhay mauuwi lang sa paghihinti ang lahat kung hindi natin macontrol ang anting sarili. Maghiganti tayo ng may kabutihan sa puso hanggang sa maasar iyong mga tao sa paligid. Ganun iyong ginawa ng magkaibigan sa kanilang buhay. Kung nag-kamali ka aminin at akuin mo ito. Ang kamalian ng iba mong huwag mong idamay ang buong angkan dahil hindi sila pare-parehas.
3 comments
May nga tao kasi na di nila tanggap na mali sila, gusto nila maski mali na sila parin yung tama.
Kaya hindi rin natin kailangan ijudge agad ang isang tao dahil lang sa kung anong panlabas na nakikita natin sakanila. Kasi what if, mabait at mapagmahal naman talaga yung tao, pero may nagtritrigger lang sakaniya na gumawa ng negatibo.
True. Kailangan natin maging matapang kasi wala tayong masasandigan kundi sarili lang din natin