So Proud of You Little Brother🙂
Nakakatuwa dati ang bunso naming kapatid ay ayaw magpaturo ng kanyang module kahit anong pilit mo, ngayon siya na nag aaproach sa amin para turuan siya. Noon kasi nababahala ako para sa kanya kasi hindi siya marunong magbasa. Pumapasok siya sa paaralan araw-araw pag tinatanong pagka-uwi kung may natutunan siya sinasabi niyang wala. Kaya lagi siyang napapagalitan noon nagsasayang lang siya ng oras at pera. Hinayaan namin siya ng ilang taon kasi ang tigas ng ulo niya, tuwing oras ng pagtuturo namin sa kanya lagi siyang wala l. Hindi mo siya mahagilap, umuuwi siya gabi na. Ganun ang technique niya palagi, tapos kapag pinagalitan iiyak siya at magsusumbong kay Kuya palibhasa spoiled siya kay kuya. Sa kanyang pagtanda naapreciate na niya ang pagtulong namin sa kanya. Natutuwa akong makita na willing na siyang matuto ngayon unti-unti na siyang nakakapagbasa ng libro. Tinanong namin siya kung bakit ayaw niya magpaturo dati. Sabi niya masyado daw kaming magagalitin at wala daw kaming pasensiyang turuan siya. Hay naku kami pa iyong walang pasensiya gayong siya iyong ayaw turuan. Pero dahil sa kanyang sinabi dinagdagan pa namin ang aming pasensiya sa kanya at sinubukan namin huwag magalit. Siguro natatakot siya noon pero sino ba naman ang hindi magagalit sa kanya lagi siyang wala pag oras ng pagbasa niya. Nakikita mo namang sinasadya niya. Kung walang kang kondisyon na bibigyan mo siya ng pera after niyang magbasa noon, hindi mo siya mapapagbagsa. Dumating sa punto na kahit ibigay mo lahat ng luho niya at pera walang kwenta. Dahil diyan tumigil na kaming turuan siya. Pero pumapasok pa naman siya ng paaralan. Naging mapaglaro siya ng module learning ang pag-aaral. Mas lalong wala siyang natutunan kasi hindi naman niya ginagalaw ang module niya. Si Mama naman busy siya araw-araw parang sumuko na din siya sa kanya. Pero ako pag may time ako tinutulungan ko siya sa kanyang module. Buti nalang ngayon may paki-alam na siya. Kahit wala na akong magawa araw-araw na work dito sa aming bahay matapos lang lahat ang module kasama siya. Minsan ako na ang natatamad sa dami ng module niya haha. Pero masaya akong hindi na siya tulad ng dati na kailangan mo siyang alukin ng kung ano-ano mapag-aral lang siya. Hindi ko na siya tinatanong kung bakit gusto na niyang mag-aral ang mahalaga willing na siyang matuto ngayon. Thanks God for helping and guiding my little brother to learn. I thought hindi na siya makikinig sa amin but because of you Lord naging masunurin na siyang bata. Sana huwag siyang magsawa madami pa siyang dapat matutunan huli man siya sa kanyang kaklase I know makakahabol din siya. So proud of my little brother, keep it up🙂
4 comments
Buti naman sis nag change siya. Ganyan talaga ang mga bata sis pero patagal na patagal magbago sila dahil nagbabago din mindset nila patanda ng patanda. Marerealize na nila kung ano ang hindi dapat o hindi. I'm so happy sis.
Ganyan din pamangkin ko nun. Ayaw paturo hahaha. Pero iba reaosn niya eh, ayaw nya apturo kasi para daw mas mag elarn sya in his own way. Sanaol independent 🤦
*Wow, mas mabuti yan na magpaturo na siya para matuto talaga siya...Ngayon na magpaturo na siya, it means gustong-gusto niyang May matutunan siya*
Buti nga sya ate eg, pamangkin ko tuturuan mo sya pangalit. Magdadamot payan ah