read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Buti Nalang Mababait ang mga riders!

Ang dami kong kapalpakan today. Kahit alam kong ready na ako sa araw na ito, may mga pagkakataong pa ring hindi ko magawa-gawa ng maayos ang aking trabaho. Maaga naman akong natutulog sa gabi dahil kapag pagod ako hindi na ako umaabot ng 11 pm kahit gusto ko pang magbasa sana ng article. Kaya kung maaga akong nagigising sa umaga doon nalang ako nagbabasa ng article. Bago nagbakasyon si Boss, tinuro na niya sa akin ang mag inventory, magsulat ng dedication sa cards, mag book sa lalamove, maglagay ng stick sa cake at marami pang iba. Sabi niya yan lang ang aking gagawin pero siyempre pag walang orders tinutulungan ko si anti sa mga gawaing bahay. Dahil tinutulungan naman niya ako kapag hindi kona kaya ang aking mga gawain. Kahapon walang masyadong orders pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Katulad ngayon walang masyadong orders pero ang dami kong palpak. Una sa pagsusulat ng greetings sa card. Kapag talaga rush doon ako masyadong nagkakamali, pangit na sulat ko, mali-mali pa ang spelling kaya marami akong nasirang cards. Ikalawa, sa pagbobooks sa lalamove, nakakahiya nadodouble book ko siya. Tapos hindi ko alam kung paano siya icancel. Pinaliwanag ko nalang sa mga rider na baguhan ako. Mabuti nalang mabait ang mga rider at sila ang nagturo sa akin. Sana next time maayos ko na siyang gawin. Pangatlo, doon sa cake nakalimutan naming dalhin para sana sa aking pinsan. Napabili tuloy si anti ng bagong cake. Ang dami kong kapalpakan today, ang daming nasayangna resources buti nalang wala si boss.

21 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.