Uso magtanong girl😉
Hello! Hows your 2nd day of dec.? Sana naging maganda ang araw niyo today like me lol. I have a question what would you like to happen iyong wish mo or iyong hinala mo? Hahhaha siyempre iyong wish mo di ba. Ang hirap kasi iyong hinala madaming pupuntahan haha kaya minsan I don't like to think about hinala wish nalang ako ng wish haha. I have a story na may nasirang relasyon dahil sa hinala. Nangyayari talaga ito real life. Iyong kaibigan kong isa iyak na siya ng iyak she thought linoloko siya ng kanyang jowa. Nakita niya kasi mismo iyong boyfriend niyang nakikipagyakapan sa isang babae. Ang mali niya hindi na siya nagtanong diretso na siya sa kanyang kuwarto at nagkulong. Walang kamalay-malay iyong boyfriend niya kung bakit nakikipaghiwalay na siya sa kanyang bf. Ang dami niyang sinabing rason pero si boy hindi siya sumuko dahil alam niyang wala siyang kasalanan. Nagtanong tanong na siya sa mga kaibigan ng girlfriend niya kung anong mali sa kanya bakit bigla- bigla ay nakikipahiwalay na ang kanyang kasintahan. Hanggang sa tinanong niya ako ayaw kong magsinungaling kasi ako din nakita ko iyong nangyari haha. Habang nagkwekwento ako sa kanya tawa siya ng tawa iyon pala kapatid niya iyong babaeng kayakap niya kanina. Iyong kaibigan ko naman iyak pa rin siya ng iyak. Ang ginawa ng boy ay pinakilala na niya ang lahat ng kapatid niya sa kanyang kasintahan. Hiyang hiya naman iyong kaibigan ko sa ginawa niya haha. Uso magtanong kung totoo hinala mo mahirap pag lagi kang naghihinala mas mabuting magtanong agad para lahat ay klaro. Kaya ako mas gusto kong magwish kaysa maghinala hehe atleast kapag nag wish ka goodvibes lahat diva. May wish ka rin ba na gustong matupad? Siyempre marami dva. Ako maging masaya lang ako at magawa ko iyong responsibility ko okay na life.
4 comments
Kaya, matuto munang mag tanonh bago mag assume hihi
Yes po🙂hehe
Mahirap mag assume talaga. Maraming nasisirang relasyon sa maling akala.
Oo nga po🙂..