Ganap ngayong Linggo!
Hello! Kamusta ang lahat? Sana okay lang kayo. Ngayong linggo daming ganap sa akin ngayon. Una, napagpasyahan kong baguhin yung daily routine ko dahil the past few days paulit-ulit nalang yung ganap sa aking buhay nakakabagot na parang wala ng bagong mukha at walang bagong view. Nakakapanghina iyong paulit-ulit nalang yung ginagawa. Paano ko ba hinarap yung araw ko today. Simple lang sinimulan ko yung araw ko sa pagdadasal at nanood ng misa on line. Napakagaan ng daloy ng araw ko today kahit nagkanda sugat-sugat yung kamay ko sa paglalaba ng damit ni ate. Nag-request siyang labahin ko ang kanyang damit dahil medyo inuubo pa siya baka pasukan siya ng lamig kapag siya pa ang maglaba. Maliit na bagay lang yun para sa akin pero binigyan niya pa ako ng pera. Ayaw ko sanang kunin pero yung kapatid kong lalaki kinuha niya at pinangbili ng ulam ngayong hapon okay na rin yun haha. Yung ate namin gusto niya kanya-kanyang laba ng damit para maging responsible kaming lahat na hindi umaasa sa iba depende nalang kung may karamdaman. Kaninang alas tress ng hapon ay binalitang pwede na kaming lumipat ng bahay kase nakalipat na daw yung umuupa sa baba (first floor). Sa august pa sana kami lilipat pero nagpa-extend yung nangungupahan ng isa pang buwan at ngayon na sila lumipat. Excited na akong lumipat dahil masikip dito sa amin, nakakatamad lumabas ng kuwarto para umihi sa gabi dahil sa salas ukupado ng dalawa kong kapatid at isang pinsan namin doon sila naglalatag ng kutson para matulog Baka kasi maapakan ko sila haha. Dahil mas malaki sa baba mas mataas na din ang bayad. (Nasa second floor kase kami) Dito sa amin ngayon ay 3500 per months isa lang ang kwarto sa baba may dalawang kwarto at malawak na salas, kitchen at cr 6,000 naman yung upa. Buti nalang nakapasok na sa public school ang ate naming isa kaya napagpasyahan na nilang lumipat kami sa mas maluwag na bahay. Kay anti pa rin yung uupaan namin sa mas malawak ngalang discounted kami ng 500 pesos malaking tulong na din ito para sa amin. Sinabihan nila kaming pwede ng bumaba pero sabi ni ate sa otso nalang daw para swerte daw. Mapamahiin din kase si ate hehe. Binisita namin kanina yung bahay ayun malawak nga, kasya na kaming lahat pwede pa magpa overnight ng bisita. Minsan nahihiya yung kapatid kong dalhin ang mga college friends niya dito sa bahay dahil masikip. Tapos sa taas sa mini garden nila anti ay free kaming manguha ng kanilang pananim. Kami ata nakakaubos ng malunggay, kangkong, sili at gabi nila haha. Nasasayang lang din kase minsan eh hindi naman sila palaging nag-uulam ng ganun kaya sabi nila open lahat ang pananim nila sa taas. Kahit wala kaming sariling pananim dito may inaani pa rin kami dahil sa kabaitan nila. Siguro ito yung mamimiss ko at hahanap-hanapin ko pag umuwi ako sa Ilocos yung kabaitan ni anti ay iba sa lahat. Salamat sa Diyos dahil binigyan niya kami ng mabait na Anti wala akong masabi sa kanila dahil open na open kaming lahat sa kanila. Pumunta ako sa terrace kanina nagulat ako ang dami ng pananim ni anti ang yayabong pa. Nakakainggit pero kung nandoon kami sa taas parang amin na rin haha. Gusto ko kasing baguhin yung araw ko today imbes na magkulong sa bahay buong araw para naman marefresh ng konti yung mata at utak ko.
Salamat sa pagbasa! Pasensiya na walang picture sa bahay gusto ko sanang ipakita kaya lang hindi pa masyadong malinis sa baba at nakalimutan kong dalhin yung phone ko kanina.
26 comments
Sissy God is good sabi ko na nga ba. Ang lahat ay magiging maganda na para sayo
Thank you ate!
Mabuti naman at mabait at maganda ang ugali ng tiyahin nyo. Nawa'y maging maganda ang inyong panibagong simula sa paglipat ng floor? or tirahan.
Sana nagapo hehe..thank u!
And ganda ng mega flowers ng ante, and blessed din kayo an may ante an katulad an , nanakadiscount an kayo at may libre pang gulay, ang galing.
Oo hehe minsan nagtatampo pa siya pag bumili pa kami sa labas ng malunggay hehe
Blessed na blessed kayo, wala akong ante na ganyan ka mapagbigay,hope she will be blessed with more too.
Ang bait ng ante mo sis. Masaya ako dahil comfortable na kayo sa bagong lilipatan niyo. Mahilig pala mag tanim ante mo. God bless you and to your family sis..🙏😇
Oo sis thank you.. Plant lover siya hehe..
Kaya nga sis.. ganun din mama ko..☺️
Picturan mo po kapag malinis na... Mahirap lang po ngayon kase pandemic tsaka pwede ka na rin po magstart magipon para soon magkabahay naman kayo ng sarili... Ako di sanay maglaba... Hahhaha... Kaya ngayon hirap.. hahha
Sige po haha oo ngapo ang hirap lalo ng buhay dahil sa pandemic.. Allergic po ako sa powder champion haha sinira kamay ang sakit hehe
Kung malaki na bhe ung bahay at maluwag worth it na ung 6000 or 5500 kc discounted nga pla..dto sa inuupahan nmin 3500 na to next year..ok nmn ung laki nya.. Anyway ang galing ng ante mo sa pag aalaga ng mga pananim nya,ang gaganda ng mga pananim nya.
Oo ate ang mahalaga comfortable na kami hehe sana lang makayanan yung upa every month hehe Plant lover yan ate hehe
Ang mahal ng renta bunsoy yung dati nmin tinirhan nasa 3k lng yun pero masikip din dahil sa gmit namin. Pero maganda mga tanim ni anti mo at ang bait nya bunsoy no. More blsessings yan lalo tlaga.
Oo ate pero sa 3k isang kuwarto lang eh tsaka may mga gamit pa kaya lalong masikip hehe.. Oo ate mabait siya talaga. Lagi siyang nagsheshare ng blessings nila..
May paupahan din nmn na mura lng at malaki pa. Pero sa mga probinsiya na siguro yan. Buti nga may anti ka pang mabait di gaya ng iba ang suwapang at ayw tlga mgshare sa kamag anak
Mahal nga yata yung 6k a. Anyways, dami halaman ni anti mo. Plantita din aa. Haha
Oo pwede na siya magbenta ng halaman. Oo doble na sa dati yung binabayad namin dati pero okay na rin atleast comfortable na kami haha
Yun naman yung importante, comfortable kayo. Haha
Hindi na ng magjumping rope haha
Kami din po ay sinanay na maglaba ng kanya kanya naming damit at huwag umasa sa aming magulang para daw po maging responsable kami. Dami pong pananim ng anti nyo, kami din po may tanim na malunggay kangkong at sili. Hahaha share ko lang po.
Hahaha maganda nagyong may pananim libre na presko pa hehe
Opo tapos kapag wala kayong ulam pitas pitas lang hhahahha.
Yung bahay nga mismo yung gusto ko makita Sis hahaha iniimagine ko kasi habang binabasa description mo:D
Oo post ko noise mamaya haha thank u