Goodbye parents na ba, pag wala na silang perang maibigay sayo?
16 -July 29, 2021 Magulang ang una nating nakasama, nakita at unang nagbigay importansiya sa atin. Sila ang unang umintindi at nagmahal sa atin bago ang mga kaibigan, barkada at kamag-anak natin. Kaysayang pagmasdan ang isang pamilyang nagkakaisa at nagtutulungan sa hirap at sa ginhawa. Hindi nang-iiwan sa oras ng kagipitan, kalungkutan at pagkatalo sa buhay. Minsan napapatanong ako, bakit may mga taong nang-iiwan sa kanyang magulang? Bakit may mga taong natitiis ang mga magulang na naghihirap. Bakit di nila maapreciate ang kanilang magulang, gayong sila ang unang nagmahal at nag-aruga sa atin. Bakit may mga taong umiiwan sa magulang matapos maubos ang yaman nila? Walang perpektong magulang Oo, pero hindi nila deserve ang maiwan sa ere. Lahat ng magulang ginagawa nila ang makakaya nila para sa ikakabuti ng pamilya nila. Pasensiya po, may nakita ako sa facebook na iniwan ang magulang matapos maubos ang kanyang kayamanan. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit kayamanan ang hangad ng iba sa magulang na kung maubos ay "goodbye parents" na. Nakakalungkot na balita, na may ganung mga tao. Instead, na iwanan ang magulang dapat magtulungan nalang dahil mas mahirap magsimula kung walang gabay ng isang magulang. Ang gabay ng isang magulang ay da best pa rin at walang kupas. May mga taong iniiwan ang kanilang mga magulang, pero makalipas ang ilang taon bumabalik sila na may anak na at ipapaalaga pa sa kanilang mga magulang. Magulang ang takbuhan sa oras ng pangaingailangan pero kailangan din silang mahalin at irespeto. Hindi yung maaalala lang sila kapag nahihirapan na. Kung minsan, akala natin kaya na natin mamuhay mag-isa pero hindi pala. Kaya marami ang nagkakamali dahil hindi nila sinusunod ang payo ng isang magulang. Hindi lang takbuhan ang magulang tuwing gupit ka, kailangan din nila ng pagmamahal at pag-aaruga. Naalala ko dati, lagi akong napapalo dahil sa katigasan ng ulo ko. Nagtampo ako oo pero hindi naman umabot ng araw dahil sabi nga nila walang magulang ang nanakit ng walang dahilan. Nagsisisi nga ako ng minsang masigawan ko si Mama dahil parin sa palo haha. Pero nung mga panahon na yun pag nagtampo ka talo ka. Dahil noong nagtampo ako diko masabi-sabi ang mga kailangan ko dahil nahihiya na ako haha. At siyempre di ko ding matiis di magsorry kay mama dahil alam kong part yun ng isang ina ang magalit tuwing may hindi magandang ginagawa ang isang anak. Dati kasi pag napalo ka ibig sabihin may ginawa kang mali. Sabi ng anti ko dati "pag pinalo ka ng iyong ina mahal ka niya. Dahil ayaw niyang magpatuloy ka sa iyong maling gawain, disiplina niya yun sayo". Hanggang ngayon nakatatak pa rin yan sa isipan ko. Hindi ko lubos maisip yung nakita ko sa fb, na iniwan ang magulang dahil lang sa wala ng maibigay ang magulang. Ako nga diko matiis nanay ko kahit masakit siyang magpalo mahal ko pa rin siya. Hindi ko siya matiis dahil mahal ko siya, minsan hindi ko maramdaman na mahal niya ako dahil sa sakit ng palo niya pero ganun talaga huwag nalang ako mag-isip ng masama dahil alam kong mahal niya rin ako. Haha..Hindi naman doon nababase ang pagmamahal di ba? Ang hindi pag-iwan ng isang magulang sa anak ay sapat ng dahilan na mahal niya ang kanyang anak. Ang pagtanggap ng isang magulang sa anak pagkatapos ng pag-iwan sa kanila ay sapat ng dahilan, na ang pagmamahal ng isang magulang ay wagas. Ang pananakit ng isang magulang ay paraan ng kanilang pagmamahal dahil ayaw nilang makita na mapaniwara ang kanilang anak. Hindi deserve ng magulang ang maiwan sa ere. Hindi nila deserve ang maramdamang nag-iisa sila gayong nandiyan ka pang anak nila. Deserve din nilang mahalin, alagaan at ingatan dahil una sa lahat kung wala sila, wala din tayo dito sa mundong ito. "Magulang ang kayamanan ng anak, Anak ang kayaman ng magulang" Kaya huwag silang ipagpalit sa yaman dito sa mundo dahil sila palang matatawag mo ng kayamanan at tayong mga anak nila ang kanilang kayamanan" Masayang makita ang pamilyang hindi nang-iiwan at hindi sumusuko sa bawat isa. Lead image source: https://www.pinterest.ph/amy_lynn48/goodbye/
9 comments
ditoy ket uray jay nagannak marigrigatan ket isu da pay magted nu kua...
wun ma'am isu nga ti makunak ket ti ina dina matiis ti anak na ngem ti dadduma nga annak matiis na ti nagannak nga dina tulungan.
Tama po dapat irespeto at mahalin natin ang ating mga magulang meron man silang maibigay o wala. Hindi lang sa yaman dapat binabase ang pag aaruga at pagmamahal sa magulang. Sana po yung iba ay wag ng tularan ang ganitong gawain dahil napakasakit po nito para sa mga magulang.
oo ngapo eh...kawawa naman ang mga magulang kapag iniwan lang sila ng basta basta.
Kaya nga po lalo na kapag may edad na ang mga magulang mo tapos iiwanan mo pa. Nakakadurog po iyun ng puso.
Alam ko hindi ako mabuting anak. Pero marunong ako tumanaw ng utang na loob sa magulang ko. I want to give them back lahat ng sacrifices, lahat lahat ng nagawa nila for me. Gusto ko silang suklian! Napakawalangyang anak talaga yung mga ganyan na porket wala na mapala sa magulang ay ganyan gagawin. Tsssk.
Nakakalungkot isipin na may mga taong nakakalimutan na ang mga magulang. Mga mga rason siguro ung iba kung bakit nagawa nila ang ganyan kaya di rin natin masisisi. Di natin alam ang sitwasyon. Kung ano man ang mga rason na yan sana maayos na bago huli ang lahat.
oo nga Ma'am, dahil ang mabuhay na may alitan sa pamilya lalo na magulang.
Ni sa tagal na panahon ay di ko naisip iwan ang magulang ko kahit na ngayon ay may anak na rin ako..hindi ko talaga ma atim na iwanan sila kasi sila ang pinakaunang rason kung bakit may kasiyahan akong makita ang mundong ibabaw...may mga anak lang talaga na pinapadaig nila ang kanilang galit na hindi man lang nila inisip ang nararamdaman nang magulang nila..ngayon may anak na ako pinapakita ko talaga sa kanya ang pagmamahal na kaya kong ibigay bilang ina niya kahit wal siyang ama ay di naman ako nagpabaya sa pag aalaga sa kanya