Ouch! Kaibigan lang pala!

13 45
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Puyat ako! huwag niyo akong kausapin pwede! Don't worry okay lang ako! (okay lang? but crying a lot, ano yan baliw rinig kong sabi ng aking supportive kuno na friend ko daw? Langya siya yung friend kong nagsasayang basted ako!)

Eto na ikukuwento ko na yung love story ko este frienship road pala! Friendzone ba! Baka sakaling mabuhos ko lahat ng sakit at ng maibasan naman yung nararamdaman ko.

Nagkaroon ako ng kaibigan sa school two years ago. Hindi ko dapat siya papansinen eh kasi lalake siya tapos hindi ako comfortable sa mga boys kasi nga naiilang ako sa kanila parang iba silang makatingin. Basta nawiwirduhan ako kung paano tumingin ang ibang lalaki. Pero siya consistent siyang nagpapansin sinabi ko na nangang hindi ko kailangan ng kaibigan, bumabanat ang loko sabi niya "Kung ayaw mo ng kaibigan, sige asawa nalang" sabay tawa. "Sorry wala kang appeal sa akin, pwede ba huwag kang KSP?"

Ganyan kami dati nagbabangayan kami kasi nga ang kulit niya hanggang sa tumigil na ako, nagsasawa na rin akong patulan pa siya kinakausap ko na siya ng maulamanay at maayos. Okay naman pala siya ang bait niya.

Hanggang sa messenger at facebook nag-uusap na kami everyday, everynight hanggang sa nahulog na loob ko sa kanya. Kasi pakiramdam ko ganun din siya sa akin, nagsasabi siya ng "I like you a lot, You're so special to me! may pasabi-sabi na siyang ganyan. Ako naman kilig na kilig kasi nga parang totoo naman.

Gusto ko siyang tanungin ng "You like me as what?" Pero dahil ayaw kong masira yung kasalukuyang kilig at saya hindi ako nagtanong siyempre its my first time na masabihan ng isang lalake ng ganun gusto kong ifeel yung moment na yun.

Everyday siyang nagsasabi ng "you're a good person! I really, really like you" Hindi naman ako nagsasawang pakinggan kasi parang music sa aking tenga at para akong dinuduyan lagi. "Siguro nga inlove na ako sa kanya" Yung hindi na kumpleto araw ko pag hindi siya nakakamusta at nakakausap at lagi na akong excited tuwing my chat siya. Iniisip ko na kung paano ako magpapakipot muna kung magtatanong siya kung gusto ko rin ba siya. Advance na ako mag-isip non. Yung siya lagi nasa isip ko hanggang sa pagtulog ko feeling ko talaga kami na, na perfect match kami.

Hanggang sa itong kaibigan kong panira ng moment talaga.Sabi niya huwag daw akong umasa sa kanya kasi parang normal lang daw yung pinapakita niya, na kailangan ko daw siyang tanungin para hindi ako masyadong masaktan. Pero hindi ko siya pinakinggan kasi pakiramdam ko naman special talaga ako sa kanya kasi kung hindi ako special sa kanya hindi niya sasabihin yung mga katagang "I like you a lot, special ka sa akin always remember that" May kaibigan bang lalaki na nagsasabi ng ganyan diba wala? Yung words niyang ganyan ay para sa mag-bf, gf diva? Or ako lang tong assuming.

Dahil mag two-two years na kaming friends comfortableng-comfortable na ako sa kanya as in yung wala ng hiya-hiya. Nasasabi ko sa kanya lahat-lahat parang hindi na friends yung turing ko sa kanya, naglevel up yung pakikitungo ko sa kanya na hindi na simpleng friends lang,na parang ganun din siya kasi ramdam ko talagang priority niya ako.

Reading-ready na talaga ako para sa level up ng relationship namin. Ready na akong sumubok at sumugal makipagboyfriend ganern kasi nasa tamang edad na rin ako at siya yung lalaking nagparamdam na special ako. Kaya, after two years tinanong ko na siya kung may mas malalim pang meaning yung sinasabi niyang "he like me and I am special to him"..

Huwag ko na atang ituloy to masakit na diko na makita yung screen dahil sa mga luha kong nag-uunahang lumabas at diko na mapigilan.

Alam niyo ba sagot niya? Umasa daw ba ako? Just Wow! What the ef! Gusto kong sabihing Oo hulog na hulog na noon pa kaya lang huwag ko ng pahiya yung sarili ko. Kung sasabihin kong Oo papatulan niya kaya ako? Kaya lang nasaktan ako sa tanong niya. Kaya dinaan ko nalang sa biro kahit diko na kayang magsalita sa harap niya. Mga luha kong gustong ng lumabas at sinisipon na ako nagsalita pa rin ako " Hindi no, wala naman pala akong aasahan sayo este hindi, hindi ako umasa sadyang mabait kapala. Thank you ha for the true love este friendship" lol cge na a-alis na ako nagtext kasi si kuya may pinapabili. Sabi ko makaalis lang sa harap niya "Samahan na kita parang wala ka sa sarili mo" "Ha? hindi, hindi kaya ko na huwag kang mag-alala malakas ako, kaya ko ito" Double meaning yun! hindi ko na hinintay sagot niya dahil diko na kayang pigilan ang luha ko.

Pagdating sa bahay diretso kuarto ako at nag-iiyak. Bakit ganun siya? Normal ba sa lalaki ang magparamdam ng ganun? or masyado lang akong umasa na may something? Naging assuming ba ako masyado? Masakit pala sa puso, sa pakiramdam at sa ulo.

Sana pala in the beginning hindi ko na siya pinansin. Sana pala hinayaan ko na lang siyang nagpapansin hanggang sa maumay siya at titigil na ng kusa..Sana pala tinanong ko siya dati para hindi na lumalim yung nararamdaman ko. Sana pala hindi ako masyadong nag-invest ng time, at damdamin. Kung alam ko lang nag stick lang sana ako talaga sa pagiging friends na hindi masyadong close na walang chat everyday and night. Kung alam ko lang, iniwasan ko na siya dati. Hindi ko sana nararamdaman ang sakit na ito kung naging maagap ako.

Anyway hindi ko naman itatangging naging masaya ako sa kanya, umasa lang talaga ako na mag le-level up pa yung relationship namin hindi pala dahil sabi niya may iba siyang gusto. Oo cge na, sila na. Sige na kasalanan ko na ito..

#Friendzone pa more!

________________________

Note:Hindi ko storya to ha..Storya yan ng malapit sa puso kong kaibigan..

Yan kasi hindi siya naniniwala sa nagpapayong walang experience.Yan tuloy napala niya haha!

Kung may upvote hatiran ko na lang daw siya. Ayaw niya kasing mag register dito eh..Bahala siya! Basta ako makapal mukha ko at trying hard, kahit walang upvote go pa rin hehe.

June 27, 2021

6
$ 3.14
$ 2.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.11 from @kingofreview
$ 0.06 from @kli4d
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

I feel you ang sakit sa feeling, ganyan rin na experienced ko nung highschool and it was funny experienced dahil napaka immature ko pa but well thanks to that experienced may natutunan ako hahaha.

$ 0.00
3 years ago

salamat sa pagbabasa haha kaibigan dipa nakamove on nagkukulong parin sa kanyang kuarto.

$ 0.00
3 years ago

hirap nun tumagal ng 2 years.... pero siguro it has been very long and yung guy e di rin kaya magsabi. so dinadaan nya sa like you from the start.. pero no comment or no reaction from the other.. oh well it just means di nila need maging sila.. kundi hanggang dyan na lang..

$ 0.00
3 years ago

Eeeh kasi akala ng kaibigan ko may something sila haha kasi naman yung mga banat ng lalake parang nagpaparamdam daw na gusto niya maglevel up....ngayon d na niya pinapansin yung guy masakit pa daw hehe

$ 0.00
3 years ago

hahaha yun.. puro paramdam kasi.. hirap talaga pag pakiramdaman ang labanan hahaha.. wala gusto sumugal at mapahiya... pag sumugal naman na wala na yung spark..

$ 0.00
3 years ago

Yun na nga eh ano ba mas masakit yung sumugal oh yung umasa at maghihintay nalang kung sino ang aaamin..

$ 0.00
3 years ago

sabi nila.. tell them what you feel if mareject ka masakit din.. pero at least di ka magsisisi sa huli.. yung isa di mo nasabi ng maaga and umasa ka sa faith na if kayo kayo.. and if marelaize mo na dapat sabihin mas masakit kasi wala ka na magawa masyado ka na nageffort at umasa.. so mas masakit at mas mahirap yung huli..

$ 0.00
3 years ago

Tama kung mas maaga mo malalaman na wala palang pagtingin sayo ang isang tao makakapag adjust ka kaagad kaysa paniwalaan ang sarili na mayroon talaga pero walam naman pala ay masakit yun......Nakakahiya ding kasing umamin eh noh

$ 0.00
3 years ago

yeah hirap talaga.. kaya nasasabihan palagi ang mga lalaki ng torpe hahaha

$ 0.00
3 years ago

May naalala sa kwento ni ate pachuchay. Medyo may pagkahawig pero maganda ending. Sana maganda rin ending sa inyo Ate. Punta na lang po kami sa reception niyo hehe. Bakit po kasi sineryoso niyo? Sa susunod gantihan mo Ate kapag nakamoveon ka na po. Kinig ka rin ng mga kanta na pang happy break up baka gumaan feelings niyo. Isipin niyo na lang na ako po ang nakakababata niyong kapatid na nagcomment

$ 0.00
3 years ago

jahhahh yung kaibigan ko kasi assuming kaya ayan napala niya..huwag kang mag-alala ipapasa ko sa kanyan yung comment mo hehhe salamat sa upvote medyo di pa siya makausap hehhe nagkukulong pa.

$ 0.00
3 years ago

Kala ko sa iyo ate. Anyways, sana makahanap siya ng bago hehe.

$ 0.00
3 years ago

Huwag muna sa ngayon hahaha iba din ugalipag nasasaktan hehe.

$ 0.00
3 years ago