Maaraw ang araw na ito kaya umaga palang o pagsikat ng araw linalakad na namin ni AM ang bawat eskinita doon sa naaarawan vitamin D ika nga. Dalawang araw na sunud-sunod na masungit ang panahon kaya naman kaysayang maramdaman at makita muli si inang araw.
Habang kami ay naglalakad maraming tao ang nakakasalubong namin may ngumingiti at mayroon din namang nakasimangot. Iba't-iba ang kanilang paroroonan may papasasok sa eskwelahan at may papasok sa trabaho. Ganito pala iyong feeling na maagang maglakad-lakad sa labas nakakagaan at nakakaganda ng araw kasi makikita mo iyong eagerness ng mga taong papasok sa eskwelahan at trabaho.
Maaga pala si Manong Taho na nagtitinda dati kasi hindi ko namamalayan haha. Habang siya'y sumisigaw mayroon namang nagpapatugtug ng pambata iyong *If your happy and you know it clap your hands, if your happy and you know it clap your hands" (don't know the title hehe). Iyong mga batang nagpapainit din napapalakpak hehe then ang sumunod na kanta ay "Happy birthday to you" Kahit malakas ang tugtog tuluy-tuloy pa din si Manong Taho sa pagsisigaw ng taho parang ginigising na ang mga tulog pa hehe.
Hindi naman nawawala sa kalsada ang ingay ng mga tricycle kahit hindi masyadong maluwag ang space ng kalsada go parin iyong mga drivers pati tuloy iyong mga aso nabubulabog hehe. Ang cucute iyong mga aso kaysarap yakapin parang ang babait nila kahit malaki silang tignan hindi sila mukhang nangangagat. Gusto ko silang lapitan kaya lang naalala ko baka maiscam ako at makagat hehe.
After 30 minutes na pabalik-pabalik sa daan mukhang napagod na iyong kasama ko kaya tumigil na kami. Pinagpawisan naman kami ng konti okay na yan kaysa hindi pinagpawisan hehe.
Kung maaraw lagi sa umaga siguro araw-araw na din kami maglalakad sa umaga makita lang si Inang araw.
Naku kamindin bihira ng maglakad sa umaga lagi kasing late nagigising