8 July 14, 2021
Ito po ay fiction story lamang na base sa aking imahinasyon. Kung may pagkakatulad sa tao at lugar sa totoong buhay o sa storya ng iba ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
Ako si Ava Mendez, 25 years old isang writer sa isang publishing company. Ako ay NBSB (No Boyfriend Since Birth). Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend dahil masaya ako sa aking buhay bilang single . Ang saya kayang walang iniisip sa buhay yung tipong malaya kong gawin yung mga bagay na bawal sa mga may kasintahan, tulad ng aking kaibigan ang daming pinagbabawal ng kanyang nobyo tulad ng pakikipagkaibigan sa mga kalalakihan, bawal ng lumabas kasama kaming mga barkada niya. Ewan ko ba ako ang nasasakal sa sitwasyon ng aking kaibigan hindi siya umaangal kasi mahal niya at para daw sa kabutihan niya yun.
Isang araw nagpunta ako sa Robinson para magliwaliw kasi gusto kong aliwin yung sarili ko kasi matagal na rin akong tutok sa trabaho ko bali office at bahay lang ako naglalagi. Gusto ko ding regaluhan ang aking sarili ng bagong damit, pantalon, sandals, basta parang gusto kong baguhin yung mga luma kong gamit. Sinama ko din ang aking kapatid para may tagabitbit ako.
Ng pauwi na kami pinauna ko na kapatid ko kasi bibili pa siya ng ulam namin ako naman nakalimutan kong bumili ng tsinelas yung pambahay lang kaya bumalik ako sa loob. Ng makabili na ako nagmamadali na akong lumabas kasi nakalimutan kong bigyan ng pera ang kapatid kong bibili ng ulam altough walking distance lang naman ang bahay namin kung gusto niyang umuwi pwede naman pero kahit kapatid ko yun nakakahiya pa rin buti sana kung wala siyang bitbit. Kaya nagmamadali na akong lumabas.
Nang palabas na ako bigla nalang may humila sa akin isang babae na ang kapal kapal ng make-up niya. " Miss Sandali ayusin natin kilay mo sabog na eh. Huwag kang mag-alala walang bayad ito" Hindi ako makapaniwala na ganun ang sasabihin ng babae. "Ah hindi na po kasi nagmamadali po ako, tsaka okay lang po na ganun ang kilay ko walang pong kaso sa akin". Parang hindi siya natinag sa aking sinabi, hindi pa rin niya ako binibitawan nakalingkis siya sa akin feeling close na agad siya. "Ano ba ito hindi kaya modus ito" tanong ko sa aking sarili. "Mabilis lang ito halika na para matapos na ikaw naman libre na ngaeh". Ano bang gagawin ko dito parang ayaw akong bitawan. " Kasi po may naghihintay po sa akin kapatid ko po, kaya pasensiya na po kailangan ko na talagang umalis." Hindi ko namamalayan nahihila na niya ako paunti unti doon sa pwesto niya may maliit pala siyang parlor nagbebenta pala siya ng mga beauty products " Hindi mabilis lang ito, halika na upo ka na dito" para matapos na at makauwi na ako pumayag nalang ako.
Habang inaayos niya kilay ko ang dami niyang tanong " Ilan taon kana" Gusto kong magsinungaling sa tanong niya kasi maraming nagsasabi sa akin na napagkakamalan daw akong bata dahil hindi ako nabiyayaan ng tangkad maliit akong tignan sa edad ko. Ibes na 25 yung sinabi ko " 20 po " Hindi naman siguro masamang magsinungaling hindi ko naman siya kilala diba. " Pakibilisan po kasi may naghihintay po sa akin" Ano ba itong napasok ko sales talk ba ito hindi ako sanay sa mga ganitong tanungan. Anobey?. " May jowa ka na? Ang kulit ng babae anong oras na oh "wala po" " Magpaganda ka kasi para magkajowa ka" hindi nalang ako umimik dahil hindi naman nadadaan sa kagwapuhan at kagandahan para magkaroon ng jowa although alam kong yun ang nangyayari sa kasalukuyan. Natinag nalang ako ng magsalita siya ulit. "Halika o-oferan kita ng pampaganda may lip tint kami para naman gumanda ka kahit papano hindi ka mapapansin niyan dahil ang dry mong tingnan. Tingnan mo gumanda ka lalo ayos na kilay mo girl." Abat hinusgahan pa ako " Sorry po, hindi po ako marunong niyan aalis na po ako " Ano bang nangyayari dito bakit ayaw niya akong paalisin. Gustong-gusto ko siyang bulyawan kasi naiinis na ako pero sabi ng nanay ko "huwag gagawa ng masama hanggat mabuti ang pinapakita ng tao" Pero naisip ko mabuti ba ginagawa ng babae sa akin? " Tuturuan naman kita tanggalin mo facemask mo para turuan kita o kung gusto mo eto nalang foundation mas mabilis gamitin imbes na pulbo ang gamitin mo. Eto natural siya talagang pinapa shine ang face mo hindi siya oily sa face . Itong liptint $3 or 150 lang siya ang foundation $4 or 200 lang siya. Ikaw anong gusto mo pwede kitang turuan. Sige na dali pili na" Sunod-sunod niyang sabi wala akong naintindihan kundi gusto niyang bumili ako ng kanyang tinda dinaan-daan niya pa ako sa sales-talk niya. Napatagal ako tuloy may paayos-ayos pa siya ng kilay bakit hindi nalang niya sinabi sa una palang para matapos na bibili nalang ako. " Sige po foundation nalang po" Dinemo niya sa akin kung paano gagamintin ang foundation siyempre sa kanyang mukha ayaw kong sa mukha ko siya magdemo hindi dahil nahihiya ako kundi dahil hindi ako sanay. Maya-maya pa may mga nagsidatingang mga bading. Anak nang.." Girl tignan niyo ang ganda ng kilay niya inayos ko yan. Hindi siya marunong sabog yan kanina" "Ooh ganda ng kilay! nakakainggit ka naman girl" sabi ng isang bakla na hinaplos haplos pa ang kilay ko. Hindi ata siya makapaniwala na natural na kulay ang kilay ko. Sumabat naman ang isang bakla " Eto girl bibigyan kita ng promo kapag bibili ka ng products namin lifetime ka ng pwedeng magpaayos ng kilay dito papakita mo lang yung resibo at kikilayan ka na namin agad-agad." Sinabi ko na ngang foundation kanina pa." Yung foundation nalang po" Sabi ko sa babae para makaalis na ako, agad naman nilang binigay sa akin. Sa wakas natapos din ang mahabang seremonya.
Nang nasa labas na ako may tumawag na naman sa akin " Ano baaah hindi na matapos-tapos ito" inis kong sabi at napalakas yung pagkakasabi ko akala ko kasi kasamahan ng babae yun, natameme tulong yung tumawag sa akin " Aaah, Nagulat ba kita? nahulog mo kasi ito. Mukhang di mo napansin kasi tuloy tuloy ka sa paglalakad parang may hinahabol ka? Sabi ng lalake tinignan ko, kung anu yung nahulog ko wallet ko pala at yung foundation na binili ko. At sadyang nakabukas pa yung wallet ko kita tulong yung employee ID ko. At parang naamaze yung lalake doon sa wallet or sa foundation na nabili ko hindi ko alam basta nagulat siya. Aabutin ko na sana pero nagulat ako sa sinabi niya " Sa aming companya ka pala nagtratrabaho. Bakit hindi kita nakikita sa office araw-araw ako doon or luma na tong ID mo? Anong department ka? Sa iba ka na ba nagtratrabaho? Supporting student ka ba ang bata mong tignan eh." bigla akong nahiya sa inasal ko kanina at bakit ang dami niya namang tanong . Hindi ko alam kung anong uunahin ko " Ay sorry po sir! Nagmamadali po kasi ako hindi ko na namalayan nahulog na pala wallet ko. Salamat po at kayo po ang nakakita. Hindi ko po alam na may anak pala si Boss. Hindi po ako supporting student sir sa kumpanya po ninyo ako nagtratrabaho sir " Ang bilis kong magsalita hiningal tuloy ako. Anak ba talaga siya ng boss ko? Siguro nga hindi naman siya umangal.." Pauwi ka na ba hatid na kita " aah? Si sir ihahatid ako? nakakahiya naman. " Aaah! hindi na po sir sa katunayan po hininitay po ako ng " ng boyfriend mo? " sabad niya sa akin. " Hindi po sir kapatid ko po matagal na po siyang naghihintay sa akin. Huwag po kayong mag-alala sir kaya na po namin." nakita kong biglang umaliwalas ang kanyang mukha. Ano ba tong nasa isip ko parang iba na erase-erase Ava.
"Sige hatid nalang kita doon sa kapatid mo. I don't take no for an answer" Wala na akong nasabi nakakahiya kung umangal pa ako. Pagdating namin doon wala na ang kapatid ko sa tagal ko ba naman doon sa parlor ng babae. "Aaah Sir umuwi na ata kapatid ko. Sige po sir magtricycle nalang po ako dito. Salamat po sir, nice meeting pala sa inyo Sir." Ngali-ngali na akong umalis kasi nahihiya ako sa kanya anak pala siya ng boss namin. " Pwede mag request huwag ka ng mag po at opo sa akin tutal magkaedad naman tayo tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Tawagin mo akong Mike ". Ano daw? " Sir hindi po pwede yun. Sorry po sir.. Boss po kita natural lang po na galangin ko po kayo. Saka hindi ako sanay sir na hindi galangin ang boss ko." Sabi ko, haay eto yung bagay na hinding-hindi sa akin. Alam ko kung saan ko ilulugar ang aking sarili. " Wala naman tayo sa office ikaw naman ang pormal mo naman." "Kahit na sir, tungkulin ko po talaga na galangin ko po kayo nasa loob man tayo ng office o hindi tungkulin ko po kayong igalang. Sige po sir alis na po ako ingat nalang po" " Sige mukhang ayaw mo namang magpahatid" "Babye po sir kita kits nalang po sa office bukas".
Pagdating ko sa bahay napagod ako pero dali-dali akong nagpunta sa harap ng salamin. Nagulat ako mukhang bagay sa aking mukha yung kilay ko. Maganda pala sa mukha ang may shape at maayos na kilay. Nagmumukha na akong dalaga lol. Napaisip ako kailangan ba talagang magpaganda para magka jowa? Ay diyan naman ako hindi sanay, babae ako pero wala akong kaalam-alam sa mga ginagawa ng karamihang babae nagmemake-up lang ako kapag napilit ako ng aking kaibigan kasi nakakahiya daw ako kapag ako lang ang walang make-up sa mga okasyon na pinupuntahan namin pero ang pinapalagay ko lang ay lipstick at pulbo lang.
Para sa akin hindi kailangang magpaganda para magkaroon ng jowa gusto ko yong nagustuhan ako hindi dahil sa kagandahan ko kundi dahil tanggap ako kung sino at ano ako. Hindi yung kapag pumangit ako iiwan na ako.
lead image source: https://pixabay.com/photos/lipstick-lipgloss-lip-gloss-lips-791761/
tama di kailangang magpaganda para magka jowa- kasabihan nating hindi mahilig sa mga produktong pampaganda..
lagyan mo nang part 2 to kung amo nangyari kay mike at ava
jebal!