High School Life Legacy:"Pocket-book reader of the year!"

4 31
Avatar for Zcharina22
3 years ago

5th- July 06-21

Sabi nila high school life ang pinakamasayang yugto ng pag-aaral dahil maraming kang nagagawa na hindi mo na magagawa pag nagkolehiyo ka na. Kumpara sa elementerya mas masaya pa rin ang high school life kasi mas marami ka ng makikilang kaibigan at iba't-ibang ugali ng tao.

May mga ala-ala akong diko makakalimutan na sana pwede din sa college ang magproject nalang kapag di nakapasa sa isang subject o di kaya'y magbayad nalang diba ang saya, yung iba kahit dina tumulong sa group project basta't kaibigan mo ang leader okay na andoon na ang pangalan. Parang ang dating ay easy-easy life lang ang high school. Pero ako nahirapan ako kasi minsan naranasan kong maging leader tapos mga member ko ay medyo mga tamad magbabayad nalang daw sila. May time kasi na mas mapapadali pa ang isang gawain pag mag-isa ka kapag kasama ang group mas madami kasi yung oras ng tsismisan kaysa paggawa tapos kung magkakasama sila pasyal-pasyal ang nasa utak nila. Tutal pumayag naman silang magbayad edi gastos nila lahat. Hahaha Sometimes may ganansiya pa ako tapos may pameryenda pa sila haha. Napapala ng mga tamad mag-aral haha hindi naman ako pala-aral pero mas gusto ko yung hand-on para matuto talaga ako at tsaka hindi ako mapera katulad ng iba kong kaklase na bayad bayad nalang kahit magkano.

Pagdating sa sport wala akong sport lampa ako diyan kaya taga cheer lang ako at tagahatid ng meryenda at tubig sa mga players.

Uso din ang favoritism pero okay lang ang importante ay grumadweyt ng high school.Wala akong paki diyan basta ibigay nila yung naratapat sa akin okay na yun.. haha

Pero nahiya ako ng pasahan na ng legacy to lower years. Nangyayari ito kapag JS prom yung sa prophesy and legacy. Ang prophesy ay yung buhay sa hinaharap after many years. Doon sa legacy nagulat ako kasi ang bansag sa akin"the pocketbook redear of the year" . Buti nalang hindi lang ako. Sa dami ng sasabihin yun pa yun ang napili pwede namang "small but terrible eh" hehe joke!

Akala ko hindi nila napapansin na nagbabasa ako/kami(haha nangdamay pa ako hehe) ng pocketbook habang nagkaklase kami. Ginagawa namin ito kapag boring ang subject at kapag ayaw namin ang gurong naglelecture sa amin. Kunwaring nagbabasa kami ng libro pero ibang libro pala ang binabasa namin.hehe

Minsan biglang nagpaquiz ang guro namin. Naglakihan tuloy mga mata namin sa gulat. Wala kaming nasagot kasi hindi naman kami nakinig lutang parin kami sa binabasa namin hehe..Wala din kaming choice kundi mangopya kasi nakakahiya namang makakuha ng zero hehe.

Hindi naman talaga ako reader ng pocketbook. Naimpluwensiyahan lang ako ng mga kaibigan kong addict sa pagbabasa nito. Ito din kasi yung bonding naming magkakaibigan ang magkwentuhan at maghiraman ng pocketbook. Kahit naglalakad kami pauwi nagbabasa pa rin kami ng pocketbook pwera nalang kapag umulan kasi mababasa yung pinakamamahal naming libro.hehe Makalimutan na ang lahat huwag lang ang love book namin.

Naging mabait naman ako sa school kasi hindi ko naranasang napapunta sa guidance office for disciplinary action. Pocketbook reader lang ako pero hindi basagulero. Hehhe

Final thought:

Masasabi kong da best ang high school life dahil hindi pa masyadong mahirap pinapagawa at madali pang makalusot-lusot haha I mean cheating hehe kasi dikit dikit ang mga upuan namin at nakakalusot kaming magbasa ng pocketbook. Tapos kapag bakasyon pasyal-pasyal kami sa bahay ng mga kaklase namin hindi tulad sa college na kahit bakasyon ang dami paring gawain. Stressful ang college unlike high school na chill-chill lang.

Nakakamiss maging high school, kaya kapag high school ka pa ienjoy mo na ang life. Sabi ng iba, iba ang enjoyment sa college may kasama nang pagod at hirap pero masaya kapag nakasurvive ka sa isang subject kahit pasang awa basta't nakapasa abo't langit na ang saya.


Image source:

https://www.google.com/search?q=high+school+life+quotes&client=ms-android-oppo&prmd

Lead image source:

https://pixabay.com/photos/reading-book-girl-woman-sunshine-925589/

2
$ 0.44
$ 0.42 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @mommykim
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago

Comments

Hi sis relate na relate ako sapost mo na ito kasi super saya ng high school noon kapg may pocketbook kang dala sa bag mo ung magpapalitan pa kayo ng kaklase mo yung kunwari nakikinig sa teacher d naman kc ung pocketbook nkapatong sa bag hhaha nagbabasa lalo na kung don na malapit sa climax hahaha✌️✌️✌️

$ 0.00
3 years ago

pinaka da best ang high school pag may mga activities...dati nung HS ako tambay ko sa library at nakikihalubilo lang pag may mga school activities hehehe

$ 0.00
3 years ago

mahiyain din po ako kaya dinadaan nalang po sa pagbabasa ng pocketbook hehe .always salamat po mommykim.

$ 0.00
3 years ago

no worries beb!

$ 0.00
3 years ago