Biyerness Santo problem!

0 13
Avatar for Zcharina22
1 month ago

Ngayong araw ng biyernes santo ay medyo ninerbiyos kami ng konti dahil ang isa naming kapatid ay naging balisa, biglang namutla, nagsusuka at masakit ang ulo niya. Ang mga ito ay sintomas na pala ng high blood. Ang kapatid naming ito ay mahilig magkulong sa kuwarto niya ng maramdaman niyang nagdidilim ang kanyang paningin ay lumabas siya saglit at naisipan niyang bumili ng pine apple juice sa kaalamang huhupa ang kanyang kalagayan pero hindi ito nangyari doon na siya nagpanic at umiyak na.

Si mama naman ay sobrang nerbiyosin agad agad siyang nagbalat ng bawang ng malamang mataas ang blood pressure ng kapatid namin at pinakain ito sa kanya. Bumili naman ako ng isang banig na biogesic para sa sakit ng ulo niya. Hindi siya makain-kain dahil sinusuka niya ito kaya minabuti niyang bukas na siya kakain.

Panginoong Jesus kami po nanalangin sa inyo na pagalingin niyo po ang aming kapatid sapagkat masyado pa siyang bata para maranasan lahat ng ganun. We trust you Lord na ikaw ang bahala sa kanya Lord Amen.

1
$ 0.00
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments