Anti nasa Watpad pa ang dreamboy ko! hehe

0 17
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Bakit kaya may mga taong pinoproblema ang buhay mo kaysa sa buhay nila mismo. Natatawa nalang ako sa isang kong anti na ng sabihin niyang mag-asawa na daw ako, kase iyong mas bata daw sa akin ng 3 years na katrabaho namin dati may tatlong anak na tapos iyong classmate ko na pamangkin niya may asawa na rin daw at isang anak. Grabe sana ganun lang kadali no, parang sa iba talaga ang dali nilang makahanap ng jowa. Parang sa akin nasa wattpad pa hindi pa naging tao hahah I joke my anti.

Hindi kase for me even sa pagboboyfriend wala pa sa isip ko yan eh pag-aasawa pa kaya at anak? Although my family linilink nila ako sa classmate ko dati na medyo basagulero pero ngayon mabait na at responsable naman sa buhay, kaya lang parang hanggang friends lang kaya kong ibigay sa kanya. Sinabi nila na why not consider single naman daw ako at single siya. Ganun naman talaga di ba ayoko lang iyong nag-papaasa sa iba. Kaya dinediretso ko sila agad, ng tinanong ako kung may gusto ba ako sa kanya, agad-agad sinabi kong wala. Dapat sa umpisa palang malinaw na diba para hindi ka makasakit ng damdamin ng iba.

Hindi naman din kasi ako nagmamadali magkajowa or what kase kung titignan ko sarili ko parang hindi pa ako girlfriend material mas lalo na housewife lol. Madami pa kasi dapat iconsider eh kasi kung ipipilit ko iyong sarili ko sa bagay na hindi pa ako ready, im sure mahihirapan ako. Gusto ko kasi fit ako emotionally, financially, physically at spiritually. Emotionnaly marami pa dapat akong matutunan para naman hindi ako ganun kasensitive diba padalus-dalus pa naman akong magalit kahit konting bagay lang. Financially, ipon-ipon muna hehe gusto ko ng maraming investment before engaging sa relationship sana if kaya. Sabi kasi nila ang pangunahing pinag-aawayan ng mag-asawa ay pera. Para maiwasan ito dapat talaga may sarili kang ipon huwag puro isa lang iyong nagproprovide kasi darating ang panahon na mapapagod din siya. Sa spiritually, eto gusto ko mag-grow pa ako dito kasi kung tutuusin dapat spiritually strong ako para kahit anong mangyari babangon at babangon ako kasi alam kong hindi ako nag-iisa sa laban ng buhay.

Sa edad ko dapat daw may asawat-anak na ako. Hindi naman nila buhay ang buhay kaya dapat ako masusunod kasi hindi sila ang may hawak ng buhay ko. And sa panahon ngayon mahirap pa ang buhay. Ayaw ko pa munang dagdagan iyong pasan ko sa buhay. Siguro darating din tayo diyan kapag naging maluwag-luwag na ang buhay.

1
$ 0.89
$ 0.89 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Comments