Ang panaginip minsan ay nakakatakot lalo na kung ito ay tungkol sa mga kulam, kababalaghan, aksidente, at pagkamatay ng iyong mga mahal sa buhay. May pagkakataon pang sa panaginip mo nakakausap ang iyong mga namayapang mahal sa buhay.Halina't tunghayan natin ang panaginip ni Dodong tungkol sa kanyang ama.
Si Dodong ay nagtratrabaho sa kanilang munisipyo bilang isang hardinero ang kanyang ama naman ay sa construction site sa kanilang munisipyo din. Dahil iisa ang kanilang amo at iisa ang kanilang pupuntahan nagsasabay silang pumupunta sa munisipyo. Mas mababa ang sweldo ni Dodong dahil hindi naman ganun kahirap ang kanyang trabaho kumpara sa kanyang ama. At lahat ng sweldo ni Dodong ay napupunta lamang sa sariling kasiyahan nagbibigay naman siya sa kanyang ina pero hindi ganun kalaki inuuna kasi niya sariling kaligayahan.
Isang araw si Dodong ay nanaginip at ganito ang kanyang panaginip " Umiiyak ako dahil sa balitang natanggap ko sa aking katrabaho na patay na ang aking ama. Hindi ako makapaniwala dahil kasa kasama ko siya araw-araw. Nakikita kong masaya naman siya kahit papano dahil ang kanyang trabaho ay kanyang minamahal kahit pagod na pagod na siya hindi niya iniinda tapos biglang sasabihin ng katrabaho ko na patay na siya ang masama pa krinimate na ang kanyang bangkay. Hindi ko alam kung paano magrereact sa balitang aking natanggap. Kung pwede lang suntukin ang taong nagpabalita sa akin susuntukin kona dahil diyan ang sinuntok ko ay ang mga punong aking nakikita hindi ko inalinta ang sakit ang aking isip ay nasa aking amang diko manlang nasilayan ang kanyang bangkay. Hindi ko alam kung paano ko ipapabalita sa aking inang nerbyosin. Natatakot akong di niya kakayanin. Kaya ang ginawa ko ay binaon ko yung abo ng aking ama na puno ng hinanakit at galit at ginawa ko itong palihim. Ayokong sabihin sa aking ina at kapatid dahil baka di nila kayanin. Kaya ang sinabi ko sa kanila ay nagbakasyon siya sa malayong lugar. Kinailangan ko pang gumawa ng maraming kwento at magsinungaling para lang huwag ng hanapin si tatay. Pero lumipas ang isang taon natuklasan ng aming alkalde ang aking ginawa pinilit niya akong sabihin ang totoo. Sinutok niya ako sa aking mukha ng dalawang beses at sinampal naman ako ng kanyang butihing asawa. Umiiyak ako sa kanilang harapan dahil kahit sino walang makakaatim sa aking ginawa. Alam ng Diyos na ako ay nakokonsensya araw-araw. Dahil nalaman na nila Mayor ang aking ginawa gusto niyang ituro ko sa kanya kung saan ko binaon ang abo ng aking ama. Doon ko nalaman na doon din pala nakalibing ang mga magulang ng aking amo. Gusto na naman niya akong suntukin pero doon dumating ang aking ina. Nabigla siya sa aking itsura na parang baliw at walang kabuhay buhay. Wala akong ginawa kundi lumuhod sa kanyang harapan at ituro sa kanya ang abo ng aking tatay. Hindi pa ako nagpapaliwanag sa kanya ay sinampal na niya ako at nakita ko sa kanyang mga mata ang poot at galit niya sa akin. Naiintindihan ko naman ang kanyang galit hindi na ako humingi ng tawad dahil alam kong walang kapatawaran ang aking ginawa. Para maibsan ang lungkot ni nanay lumayas ako sa aming bahay at tumira sa lansangan at dito na ako nagising.
Ang aking panaginip ay napakalinaw at parang totoo siyang nangyari. Pagkagising ko ako ay pagod na pagod at basa ang aking mukha siguro nadala ako masyado sa aking panaginip. Sino naman ang hindi madadala sa ganung panaginip. Naniniwala pala ako na para kontrahin ang panaginip ko nagtuktuk ako ng tatlong beses sa matigas na bagay. Sana nga totoo na kokontrahin ng pagtuktok ng tatlong beses sa pader ang aking panaginip. Dahil hindi ko kakayanin pag ganun nalang mawawala ang buhay ng aking ama. Gusto kong ikwento ang aking panaginip sa aking ama't ina pero minabuti kong sarilihin muna. Dahil ang ginawa ko doon ay walang kapatawara. Alam kong panaginip lamang yon at dapat kong ibahagi sa kanila kaya lang pakiramdam ko kahit panaginip lang yun masakit paring ikwento.Tinatanong ko ang aking sarili magagawa ko nga ba yon. Maaatim ko bang ibaon nalang ng ganun ang aking ama? Maaatim ko bang magsinungaling ng ganun katagal sa aking ina? Dahil sa totoong buhay hindi ako ganun. Hindi ako marunong magsinungaling at magkimkim ng matagal. Gusto kong malayang mabuhay na walang tinatago at sama ng loob. Ang personality ko sa aking panaginip ay kabaliktaran sa totoong buhay. Ano kaya itong panginip kong ito? May kailangan ba akong baguhin sa aking sarili? Masyado ba akong naging kampante na palagi kong makakasama ang aking pamilya? Ang wish ko lang ay hindi humantong sa ganun ang pagkawala ng ating mahal sa buhay dahil sa panaginip na yun naramdaman ko yung sakit ng mawalan at doble pa ang sakit sa walang hustisyang naganap.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng aking mga magulang sa aking panaginip? Minabuti kong sa akin nalang muna. Alam kong malakas ako kaya ko ito. Ang panaginip na yun ay naging silbi para mahalin at alagaan ko pa ang aking mga magulang. Kung minsan nabibigla sila sa aking kinikilos naging masyado daw akong naging malambing at maaalahanin. Napansin din nila na puro kasiyahan nila ang aking ginagawa advise pa nila sa akin na gawin ko daw yung mga bagay na magpapasaya rin sa akin. Naramdaman ko na kasi yung sakit ng mawalan kahit sa panaginip lang. Ayokong maramdaman yung sakit na yon na halos pinapatay ako araw araw dahil sa pangungulila at konsensya. Narealize ko na habang nabubuhay pa ang ating mga magulang ibigay na ang lahat lahat sa kanila huwag ng pagdamutan dahil lahat ng alay natin sa kanila ay wala ng silbi pag sila ay namatay na. At ito ang naging epekto ng aking panaginip nakakatakot man pero ito ang naging daan para makita at marealize ko ang maraming bagay na wala lang sa akin dati at isa na doon ang kasiyahan ng aking mga magulang.
Nagsaliksik ako tungkol sa panaginip ng pagpanaw ang sabi doon ay kapag nanaginip daw ng pagpanaw indikasyon daw ito ng kahandaang tumanggap ng mga bagong tungkulin at responsibilidad. Siguro ang sinasabing bagong responsibilidad sa akin ay yung pahalagahan at mahalin pa ang aking mga magulang bago nila lisanin ang mundong ito.
Salamat sa pagbasa!