Ana: Sa amo ko naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang

0 62
Avatar for Zcharina22
3 years ago
Topics: Story

Pagbati!

Kamusta ang lahat? Sana lahat kayo ay nasa mabuting kalagayan at masayang namumuhay sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin. Huwag po tay0ng mawalan ng pag-asa dahil araw- araw may pag-asa. Sama-sama po tayong manalangin sa Poong Maykapal at humingi ng kapatawaran at biyaya mula sa kanya. Huwag kalimutang magpasalamat dahil araw-araw ginagabayan at prinoprotektahan niya tayo.

Ngayong araw karead.cash ang aking isusulat ay tungkol sa istorya ng batang lumaki na walang suporta sa kanyang mga magulang. At ito ay kwento mula sa aking isipan. Kung may pagkakahintulad ito sa pangalan, pangyayari, lugar at iba pa ito ay nagkataon lamang.

Karamihan sa atin, magulang ang numero unong tagasuporta natin sa buhay. May mga taong maswerte talaga sa magulang pero hindi lahat ay swerte sa magulang. Dahil ang iba ay pinabayaan ang kanilang anak. Ating tunghayan ang Storya ni Ana sa kanyang pamilya.

Ako si Ana Mae Cornaz lumaking independent dahil ang aking mga magulang ay walang pakialam sa akin. Ang aking mga magulang ay parehong magsasaka mula pa noong ipinanganak ako. May dalawa akong kapatid at ako yung panganay sa amin. Mahirap magkaroon ng magulang na walang suporta at pakialam sayo. Kung pwede lang sanang pumili ng magulang ay ginawa ko na para maranasan ko naman yung feeling ng may magulang na nagmamahal at nag-aaruga sa akin at sa aking mga kapatid. Kung pwede lang sanang huwag na rin silang isipin ginawa ko na pero dahil magulang ko pa rin sila ay may respeto pa rin ako sa kanila kahit papano.

Kung ilalarawan ko ang isang magulang sila ay isang bayani dahil sabi ng iba sila daw yung nagbibigay buhay sa isang pamilya. Pero iba ang aking nararamdaman pakiramdam ko pasakit kami sa kanilang paghihirap. Mayroon bang magulang na isinusumbat ang kanilang sakripisyo sa amin? Mayroon bang magulang na ikinukumpara ang anak sa hayop? Masakit isipin na ganito ang magulang namin.

Ibang-iba ang nasa isip kong magulang. Mahilig akong magbasa ng mga libro at wala pa ni isang magulang na katulad sa amin. Kung iisipin ko hindi kami anak kumbaga pinanganak lang kami wala na hanggang doon nalang. Naaawa ako sa aking mga kapatid dahil hindi nila maranasan yung pagmamahal ng isang magulang. Nakakalungkot lang isipin na imbes na sila yung magmotivate sa amin na mag-aral ng mabuti para makatapos sana ng pag-aaral baliktad ang nanyayari sa amin. Sila pa mismo ang nagsasabing tumigil na kami sa pag-aaral dahil wala daw naman kaming mapupuntahan kundi sa bukid din katulad sa kanila. Masakit isipin na walang pangarap ang magulang sa isang anak. Yong tipong itutulad ka nila sa kanila. Pero hindi ko hahayaan na maging ganun din kami sa kanila na walang pangarap sa buhay.

Dahil sa diko maatim yung nangyayari sa amin tumakas ako dahil alam kong hindi naman ako/kami importante sa magulang namin. Pero bago ako tumakas kinausap ko muna yung mga kapatid ko at nagpaalam ako sa kanila na babalikan ko sila balang araw.

Mahirap mag-isa at mabuhay sa kalsada ng ilang araw dahil wala naman akong pera pang renta ng dorm. Habang naglalakad ako tumingin-tingin ako sa mga tindahan kung may nag-aalok ng trabaho na hindi na kailangan ng educational attainment at consent ng isang magulang. Nakakita ako ng store na naghahanap ng helper at doon ako nag-apply. Nagdadalawang isip sila sa akin dahil para daw akong pulubi at magnanakaw. Alam ko naman yun pero nagbabasakali pa rin ako na baka tanggapin ako. Gusto ko silang murahin dahil hindi naman ako magnanakaw pero dahil kailangan ko ang trabaho ngumiti parin ako sa kanila. Bago nila ako tinanggap marami pa silang tinanong sa akin karamihan tungkol sa math yun basic lang plus, minus at divide wala naman akong problema dahil magaling naman ako sa math. Sa awa ng Diyos tinanggap nila ako. Ang aking sweldo kada araw ay tatlong daan lang pero masaya na ako doon dahil libre naman yung pagkain, tubig at bahay. Wala na akong hahanapin sa kanila dahil mabait pa ang aking amo.

Hindi ko kinuha yung sweldo ko ng isang taon kahit gustong-gusto kong padalhan ang aking mga kapatid. Gusto ko kasing mag-ipon muna at pag iponan yung pag-aaral ko. High School lang kasi ang aking natapos. Gusto kong makapagtapos ng kolehiyo. Gusto kong magturo ng Math sa mga bata. Dahil nakita ng aking amo na medyo magaling ako sa Math pinatutor niya sa akin ang kanyang anak niya na limang taong gulang. Nagpapasalamat ako dahil dagdag ipon yun sa akin at mas malaki pa ang sahod ko sa pagtututor 400 kada dalawang oras. Dahil dito napagpasyahan kong magpadala na ng pera sa aking mga kapatid ng isang libo kada isang linggo at siyempre gusto kong ilihim nila sa aming mga magulang para naman mabili nila yung gusto nilang kainin araw-araw. Sa aming magulang kasi pera lang ang mahalaga sa kanila baka kung malaman nilang nagpapadala ako ay kunin pa nila ang pera sa kanila.

After kong makapag-ipon nagdesisyon na akong mag-aral na ng kolehiyo. Kumuha ako ng kursong BS Math. Noong magpaalam ako sa aking amo hindi nila ako pinayagang umalis sa kanilang tahanan. Siyempre hindi na ako umayaw dahil kailangan ko din talaga ang tulong nila. Ang naging kasunduan namin ay libre parin ang bahay kailangan ko lang tumulong sa gawaing bahay at tututoran parin ang kanilang anak at nagpapasalamat ako dahil may sweldo pa rin ako hindi na ngalang ganun kalaki dati pero ito ay malaking tulong na rin sa akin.

Sa paglalagi ko sa aking amo ng limang taon hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila. Daig pa nila ang aking mga magulang. Kung pwede lang sanang pumili ng sariling magulang pinili ko na aking amo. Pero alam ko namang may sarili kaming magulang. Hindi ngalang kami nabiyayaan ng mabuti at mapagmahal na magulang.

Ngayon graduating na ako na hindi alam ng aking mga magulang at kapatid. Gusto kong ipakita sa aking mga magulang na mali sila sa amin dati na walang pupuntahan ang aming buhay. Bumalik ako sa aming bahay na may dala-dalang diploma at TOR. Noong makita ako ng aking mga magulang nasorpresa sila sa aking pagdating. Nasorpresa din ako sa kanila dahil ang tanda na nilang tingnan. Gusto ko silang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili. Gusto ko ding umiyak dahil sa sitwasyon nila pero di ako nagpakita ng emosyon dahil nagagalit ako sa kanila. Kinamusta ko ang aking mga kapatid nabalitaan kong nag-aaral na pala sila dahil may libreng scholarship na binigay ni Mayor sa lahat ng mga bata sa aming lugar. Magandang balita to sa akin dahil kahit wala ako sa aming bahay may magandang nagyari sa aking mga kapatid. Dahil diyan minabuti kong mag-apply sa eskwelahan sa aming barangay. Madali akong nakuha dahil nangangailangan pala ng maraming guro ang eskwelahan sa aming barangay.

Ng magpaalam ako sa aking amo gusto pa rin nila akong magstay doon sa kanilang bahay gusto ko din naman kaya lang gusto ko din maalagaan at makasama ang aking mga kapatid. Sa huli napapayag ko din ang aking amo na doon ako kada sabado at linggo. Dahil may maganda na akong trabaho marami na ang nagbago sa aming buhay. Unti-unti ko ng nababayaran yung pabahay loan na inutung ko. Pinatigil ko na din sina mama at papa sa pagtratrabaho sa bukid naghihire nalang ako ng mamahala sa aming lupa. Kahit papano naman nagbago na ang aming mga magulang. Masaya na akong nakikitang inaalagaan na nila ang aking mga kapatid kahit hindi na sakin dahil kahit papano naramdaman ko ang pagmamahal ng isang magulang sa ibang tao ngalang at yun ay ang aking amo.

Diyan nagtatapos ang aking kwento pero bago ang lahat gusto kong ibahagi yung mga bagay na aking natutunan sa buhay. Unang-una huwag maniwala na walang silbi ang iyong buhay kahit nanggaling pa mismo sa iyong pamilya. Hindi sila ang magdidikta sa iyong kapalaran kundi ikaw mismo. Pangalawa kung nakikita mong hindi magandang impluwensiya ang mga taong nakapaligid sayo huwag mo silang tularan gumuwa ka ng sariling desisyon para takasan ang taong nagpapababa sayo. Pangatlo paniwalaan mo ang iyong sarili na kaya mong gawin ang lahat. Pang-apat huwag ng ipadanas sa iba ang hirap na dinanas mo sa buhay kasi alam mo na yung hirap huwag ng ipadanas sa kanila. Panglima huwag kalimutan ang pinanggalingan kahit gaano pa kahirap yung pinanggalingan mo tumanaw parin ng loob at ipakita sa kanila na may natapos o wala maging mapagkumbaba pa rin. Pang-anim ang tagumpay hindi nakukuha sa madaling paraan lahat pinaghihirapan yan. Pang pito hindi lahat ng bagay ay madali kung gusto mo ng tagumapay asahan mo na may mga mga pagsubok na susubok sa iyong pagkatao. Pang walo tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong para kapag ikaw yung nangailangan ng tulong hindi sila magdadalawang isip na tulungan ka.

1
$ 0.67
$ 0.67 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
3 years ago
Topics: Story

Comments