30% Happy, 70% Sad Today!

0 15
Avatar for Zcharina22
5 months ago

Ang simulan ang araw ng may enerhiya minsan ay mahirap gawin, sa kadahilanang mahirap iwanan ang kama at puyat sa gabi kaya ginagawa kong gabi ang araw. Marami ang hindi ko nagagawa sa umaga dahil kadalasang tanghali na akong gumigising. Itong routine kong ito ay sobrang nakakaapekto sa aking kalusugan, madalas ng sumasakit ang aking ulo, humihina ang aking katawan, at dahil wala sa oras ang aking pagkain, hindi na ako nakakain ng maayos. Kaya tuloy mukha na akong zombie.

Ayon sa aking ate kapag puyat ka ng isang araw, apat na araw mo itong babawiin ng tulog at lakas, kung hindi mo nabawi ito ikaw ay magkakasakit. Pero sa akin naman sanayan lang ito, depende pa din sa nakasanayan ng katawan mo. Ito ang aking paniniwala dati, pero ngayong nakakaramdam na ako ng sakit, ayaw ko itong aminin kay ate haha. Kasi naman kung ipagtanggol ko ang sarili ko sa kanya ay wagas, ngayon nahiya tuloy ako haha.

Minsan kase sa aking buhay or kadalasan inaabuso ko ang aking lakas at oras sa mga bagay na walang masyadong ambag sa aking buhay kagaya na lamang ng pagkaadik ko sa mga movies, maglaro ng kung ano-ano sa internet, hindi ko namamalayan unproductive na pala ako buong araw.

Ngayong araw masaya ako ng 30% kasi medyo nabaling ko iyong oras ko sa paggawa ng requirements ng kapatid ko at ilang magaang gawaing bahay. 30% lang ang aking saya kase kung hindi napansin ng ate na madumi iyong tapat namin hindi ko makikita at maggagalaw na maglinis haha. Iyong 70% na saya hindi ko pa naachieve sa kadahilanang wala akong kinitang pera at ang daming kong nagastos na pera ngayong araw.

Ganito lang naman ang naging araw ko today!

1
$ 0.00
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments