0
12
Totoo ka
Dahil hindi totoong
Nabubuhay ka lamang sa aking isipan
Ang katotohanan ay
Nasa realidad kita
Di makatotohanan na
Kathang-isip ka,
Imahinasyon lamang kita o
Di ka nabubuhay
Dahil alam kong
Hindi ako nananaginip
Pero,
Higit pa sa buhay ko
Ang pagsinta ko sayo,
Mahal na mahal kita
Hanggang sa pagtanda
Kasama mo ako.
Dahil
Napapangiti ako
Sa sobrang ganda mo
Ikaw ang dahilan kung bakit
Buo ang araw hanggang gabi ko
Lalakbayin natin ang mundo
Magkahawak-kamay pa tayo
Totoo na
Buhay ka at
Walang katotohanang
Di ka totoo.