Oo, sa title pa lang alam mo na kung anong article ang mababasa mo. Basahin mo ito kung nangangarap kang magkaroon ng lovelife.
Sa kabila ng pandemyang kinahaharap natin, may mga hindi tayo inaasahang pangyayari sa buhay natin na hindi mo alam na darating pala para lumiwanag muli ang diwa ng puso mo. Marami sa atin ang sawi sa pag-ibig, ni minsan hindi inisip na papasok sila sa isang magulong relasyon. Ngunit mayroon din namang walang takot kung magmahal at susuungin ang lahat lumigaya lamang.
Siguro'y marami kayong nababalitaan sa mga kaibigan o kakilala n'yong nagkakaroon bigla ng buhay pag-ibig kahit na may krisis. Tama nga ba ito? Ito nga ba ay pagmamahal? O sadyang bored lang? 'Yan ang hindi natin alam, sapagkat marami sa atin ang nagiging seryoso kahit na long distance relationship ang kaharapin. Maaaring sa iba ay nakakatawa ito, ngunit ito ay parang isang training ground para sa isang babae o lalake upang masubok nila ang kanilang tiwala sa isa't isa.
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng "Pandemic love", isa na riyan ang mga social media o ano mang uri ng komunikasyon sa teknolohiya, pero dapat nating tandaan na kailangan pa rin natin ang mag-ingat at baka ito ay isang scam.