Unan ko

4 20
Avatar for Zachy.3
3 years ago

Ikaw ang laging nandyan
Tuwing akoy may problema
Problema na sa akin walang katapusan

Ikaw ang laging nandyan
Tuwing ako'y nangangarap
Nangangarap na sana sa pag gising ko
Siya parin ang kayakap

Andun ka noong panahon
Na ang luha ko'y tumulo
Na kulang na lang tumulo pati dugo

Saksi ka sa mga oras na
sumusuko
Sa mga problema tungkol
saking puso

Alam mo lahat lahat
Lahat ng sakit
Sakit na pinagtaksilan
Sakit na niloko
At sakit na iniwan sa ere


Ngunit bat ganun unan ko?
Sa tuwing ramdam ko ang matinding sakit
Marinig ko lang ang salitang "Sorry" nawawala lahat ng kirot sa puso ko

Ganito pala pag mahal mo
Lahat binibigay
Lahat pinapatawad
Lahat ok lang, kasi mahal mo

Oo alam ko Mali
Mali ang pilitin ang sarili
sa taong ayaw na
Oo alam ko Mali
mahal ko eh

Oh, unan kong kayakap
Kasama ko sa mga pangarap

Salamat nga pala sa
lahat
Sa pagdamay mo
Sa pakikiramay mo
Sa mga oras ng saya
At sa aking paghihirap

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments

Ang sad naman .. Naiiyak ako 😯. Okay Lang yan. Ganun talaga ang life...

$ 0.00
3 years ago

Hihi oo nga eh.

$ 0.00
3 years ago

Para sayo bayong Tulang yun?Ang lalim ng hugot.

$ 0.00
3 years ago

Ahh hindi. Ni pop up lang siya sa isipan ko. Kaya ayon ..

$ 0.00
3 years ago