Tula ko para sayo

0 17
Avatar for Zachy.3
3 years ago

Mag-isa akong naglalakad sa dalampasigan
Nanonood habang lumulubog ang araw
Nakikinig ng alon
Nagtatampisaw sa dagat

Lumiko ako at sa aking sorpresa
Nakita ko ang isang lalaki na sumusunod sa mga hakbang ko
Tumingin ako sa kanya
Ang mga mata niya ay parang kinakausap ako
Gusto niya akong tumigil sa paglalagad at hintayin siya


Kaming dalawa ay naglalagad
Magkasama sa tabing dagat
Nag kukwentuhan
Nagtatawanan na parang matagal ng magkakilala at alam ang bawat isa

Iba't ibang kwento ang aming ibinabahagi nang bigla na lang siyang...
Hinawak ang aking kamay
Kumuha ng puting bato at ibinigay sakin
Ito ay tanda ng pagbati sa isa't-isa
kami ay unti unti ng naghihiwalay
kahit hindi na kami magkikita ulit
Pero sa aking puso siya ay mananatili parin .

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder

Comments