Ang mapait kong Karanasan

0 21
Avatar for Zachy.3
3 years ago

Ako si Boni short for Bonifacio, ito ang aking karanasan sa pag-ibig. Nagsimula ito noong nasa high school pa lang ako. Una ko itong napansin nang makilala ko ang isang magandang babae sa aming paaralan. Nong nakilala ko siya ay tila ba parang ako ay nasa langit. Hindi ko maintindihan ang saya na naramdaman ko sa mga sandaling iyon. Nang gabing iyon hindi ako makatulog. Ang nasa isip ko lamang ay tanging sya.. siya lamang ang laman.

Sa loob ng ilang linggo na wala akong maayos na tulog. Na kahit anong posisyon ng pagtulog ang sinubukan ko ay hindi talaga, walang epek. Nagdesisyon nalang ako na ipahayag ang aking matamis na nararamdaman. Inihanda at nag-ensayo ako ng mabuti kung paano ko masagap ang kanyang puso at kung paano ko sya mapapasa akin.

Kinabukasan ay inanyayahan ko syang mamasyal sa labas. Pumayag naman siya at pumunta kami sa Park. Ngunit nagtaka ako nong panahong iyon dahil nawala lahat ng mga pinag handaan ko. Mga matatamis na salita na dapat sana yun ang sasabihin ko sa kanya ay bigla nalang nawala sa isipan ko. Natatakot ako dahil baka kung ano ano ang mabigkas ko sa kanya kaya tinakpan ko nalang ang bibig ko. Ganito pala kapag nagpahayag ng saloobin parang naiihi at malakas ang pintig ng puso ko.

Nagtagal kami ng halos tatlong oras, pero ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay ang tungkol sa pelikula na aking pinanood. Ewan ko ba kung bakit ganun...kapag kasi sinabi kong "Gusto kita" eh bigla nalang naninigas yung labi ko kaya nagtaka ako. Ayon nahihiya ako kasi pinagtawanan na ako ng kadate ko. Kaya ayon umuwi nalang kami dahil malalim narin naman yung gabi. Naghiwalay nalang kami ng daan pauwi. Hindi ko na siya hinatid dahil sa kahihiyan ko.

Nong pahiga na ako, sumagi sa aking isipan ang GAYUMA . Plano ko na gayumahin nalang sya upang pumayag na makipag kita sa akin ulit kasi nagsisisi daw siya sa una naming pasyal na hindi daw maganda na boring daw. Kaya naman pumunta nalang ako sa bahay nila. Dinalhan ko siya ng tsokoleyt na nilagyan ko pa ng gayuma. Sa sunod kong dalaw sa bahay nila. Aba, nagulat ako sa nakaharap ko, ang kanilang katulong... Kaya pala binibigyang katwiran ng katulong na salamat daw sa tsokoleyt na binigay ko umano. Ang malas ko talaga. Sakto pala na sumakit yung ngipin ng babaeng nililigawan ko kaya yung katulong nila ang nakakain ng tsokoleyt na bigay ko.

Matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako sumubok pa, sumuko na talaga ako. Ang pait talaga ng karanasan ko sa pag-ibig . Hanggang ngayon nananatili parin akong single, sapagkat palagi akong pinagkaitan ng pagmamahal sa babaeng hinahangad ko.

Gayunpaman nangangarap parin ako na makahanap ng totoong pag-ibig. Kahit pa na ang edad ko ay lampas na sa kalendaryo.

1
$ 0.18
$ 0.18 from @TheRandomRewarder
Avatar for Zachy.3
3 years ago

Comments