Ang Huling Mensahe

1 12
Avatar for Zachy.3
3 years ago

Bakit maliwanag? nasaan ako..
tika, ang huling bagay ay - Oh!
Naaalala ko na!

Oo, gumagawa ako ng gawaing bahay...
Tapos, sinampal mo ang mukha ko,
at siya sinuntok niya ang noo ko;
Oh, nakikita ko
Nakalimutan ko palang
pakainin at alagaan
ang iyong apat na anak

Iniwan akong umiiyak
Ang ginawa ko?
Iniisip ko na nalang yung mga araw
na kasama ka

Yung tayong dalawa
Yung inaalagaan,
Yung minamahal at,
Pinoprotektahan

Isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay ang iniluwal ako
Ngunit, habang tumatagal
nag iiba ang trato mo
hindi ka gaya nung dati

Mama anak mo din naman ako...
Pero kung tratuhin parang iba
Binilog ng lalaking yan ang utak mo..


Hindi nagtagal ay sumiklab ang apoy mula sa hindi alam na pinagmulan
Napalunok ang buong bahay at lahat ng kagamitan


Nakita kong karga mo silang dalawa palabas
Naisipan kong tulungan ka
Nai-save ko ang iyong dalawa pang anak Iniligtas ang kanilang buhay
Bilang kapalit ng akin

Gayon pa man natutuwa ako na makita, Tumulo ang luha mong sinasabing mahal mo ako
Humingi ka ng tawad;
Bakit ngayon lang ?!
Mama bakit ngayon lang?!,
na ako ay isa nang ala-ala

2
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder

Comments

Nakakalungkot.... kaya pala huling mensahe. Nice poem. Keep it up :-)

$ 0.00
3 years ago