Akin ka

0 13
Avatar for Zachy.3
3 years ago

Stranghero ka lang sa akin noon
Tulad ng iba na nakikita ko parati
Pero simula nung araw na nakilala kita May isang bagay sa iyo na hindi ko makakalimutan

Naaalala ko pa nung araw
na sumulyap ako sayo
Ngumiti ka sa akin at hindi ko alam
ang gagawin ko
Iyon na pala ang araw na nagsimula akong mag-isip sa iyo

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko Ngunit sa kaloob - looban ko
nagsasabing totoo ito
Mas bumilis pa nga ang pintig ng puso ko sa tuwing katabi mo ako

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko
Siguro dahil sayo kung bakit ganito ito
Pero alam mo
Masaya na ako ngayon
Paano pa kaya kung
Naging akin ka

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments