School

0 14
Avatar for Yuuki
Written by
3 years ago

Kooku Love Story

Chapter 2

Ji Eun's POV

Ji Eun: Alex

Alex: Hmm?

Ji Eun: Kilala mo ba yung lalake nayun?

Alex: Sino?

Ji Eun: Yung lalaking kakapasok lang kanina

Alex: Ah si Jimin, bakit?

Ji Eun: Wala lang

Alex: Crush mo nuh?

Ji Eun: Hindi nuh..

Alex: Eh bat mo tinatanong?

Ji Eun: Wala lang

Alex: Suss! alam mo ba maraming naghahabol na babae kay Jimin

Ji Eun: Talaga?

Alex: Ne isa siya sa pinaka gwapo at sikat dito sa campus

Ji Eun: Bakit marami pa ba sila sikat at gwapo dito sa campus?

Alex: Ne pito sila at alam mo parang magkakapatid ang turingan nila sa isa't isa kasi bata palang magkaibigan na sila

Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Alex habang tinitingnan ko naman si Jimin kanina ko pa kasi ito naaabutan na tumitingin dito.

Alex: Ji Eun nakikinig ka ba?

Ji Eun: Huh? ahh Oo naman pagpatuloy mo lang

Nagpatuloy na nga sa pagsasalita si Alex nang biglang mag ring ang bell.

Alex: Ji Eun una nako sayo huh

Ji Eun: Sige

Tuluyan na ngang lumabas sa room si Alex hayy may pagka madaldal din ang isang yun nakakatuwa talaga siya.

Jimin's POV

Pagkatapos ng 2 subjects break time na namin. Tumayo na ako at tumingin muna ako sa kanya nakaupo parin siya hmm wala sigurong balak umalis. Agad na akong lumabas sa room at pumunta sa room nila hyung.

Jimin: Hyung!

Hoseok: oh Jimin

Taehyung: Ang saya mo ngayon hyung ah

Jungkook: Oo nga hyung

Jimin: Hindi ano kasi uhmm

Hoseok: Ano ba yun?

Jimin: May bago kaming classmate

Taehyung: Talaga?

Jimin: Ne at ang ganda niya

Hoseok: Jinja? ituro mo naman samin

Jimin: Sa tamang panahon hyung

Taehyung: Oh tara na puntahan na natin sina Jin at Namjoon hyung

Ji Eun's POV

Pumunta ako sa comfort room habang hindi pa time. May iba kasi akong nararamdaman kanina pa.

Ji Eun: Shit! What the.. bat ngayon pa? My god wala pa naman akong dala napkin

Natataranta na ako sa loob ng CR di ko alam ang gagawin ko ng marinig ko ang boses ni Alex.

Ji Eun: Teka parang si Alex ata yun

Lumabas ako at tiningnan kung si Alex nga yun tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng makita ko si Alex

Alex: Oh nandito ka pala

Ji Eun: Ne

Alex: Hmm time na siguro Tara sabay na tayo

Ji Eun: Alex sandali lang

Napalingon siya sa'kin

Alex: Ano?

Ji Eun: M-may napkin ka ba?

Nahihiya talaga ako pero bahala na kelangan ko munang babaan ang pride ko ngayon

Alex: Ah teka meron ako dito

Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin yun ni Alex

Alex: Here

Sabay abot sakin ng napkin at kinuha ko naman ito

Ji Eun: Salamat talaga

Alex: No problem sige una na ako huh

Ji Eun: Ne

Tuluyan na nga siyang lumabas sa Comfort room at inayos ko na ang dapat ayusin. Agad na akong bumalik sa classroom namin.

Suga's POV

Pagkatapos ng English subject namin lunch time na.

Taehyung: Tara na mga hyung puntahan na natin sina Jin hyung at Namjoon hyung

Jin: Hindi na kailangan

Jungkook: Hyung?

Namjoon: Bakit? parang nagulat kayo ah

Hoseok: Hindi naman sa ganun hyung nagulat lang kami sa biglaan nyong pagsulpot ni Jin hyung

Taehyung: Tsss.. teka si Jimin nasan naba?

Jimin: I'm here

Nagulat ako sa pagsulpot ni Jimin napaka hype niya talaga

Jungkook: Hyung naman nakakagulat ka naman eh

Jimin: Sorry. Ano Tara na?

Jungkook: Sige

Taehyung: Teka Suga hyung ano pang ginagawa mo jan?

Jin: Tumayo kana jan

Suga: Mauna na kayo susunod ako

Taehyung: Pero hyung...

Suga: Susunod na nga lang ako

Hindi ko maiwasang mainis sa mga ito, ang kukulit kasi.

Namjoon: Don't force him, basta sumunod ka

Suga: Ne

Umalis na sila at nagpaiwan naman ako sa room inantok kasi ako sa English time kanina kaya magpapahinga muna ako saglit.

Ji Eun's POV

Lunch time na kaya lumabas na agad ako. Pumunta ako sa cafeteria sobrang laki at ang daming studyante nakita ko pa si Jimin na may kasama

Ji Eun: Hmm siguro sila na ang tinutukoy ni Alex na mga Heart Throb dito sa campus pero anim lang sila.

Napatingin sakin ang isa nyang kasama agad naman akong lumabas. Nakayuko lang ako naglalakad sa Hall way nang may mabangga ako

Lalake: Tsk! ano bayan miss!

Ji Eun: S-sorry di ko sinasadya

Lalake: Next time tumingin ka sa dinadaanan mo

Grabe siya makatingin sa'kin parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya hmmp. Napangisi lang ako sa kanya at biglang kumunot ang noo niya

Ji Eun: Di ko nga sinasadya diba? At isa pa nakayuko ako ikaw diretso lang tapos di ka man lang umiwas tsss

Tumalim ang tingin niya sakin hindi naman ako nag patalo siya na ang nag iwas ng tingin. Nagulat ako ng lumapit siya sakin at bumulong sa gilid ng tenga ko

Lalake: Kilalanin mo kung sino kinakalaban mo

Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi niya at umalis na siya

6
$ 0.00
Avatar for Yuuki
Written by
3 years ago

Comments