In the library

1 37
Avatar for Yuuki
Written by
3 years ago
Topics: Highschool, KPOP, Bts, Iu, School

Part 1

https://read.cash/@Yuuki/high-school-first-love-f7ac218c

https://read.cash/@Yuuki/school-fbd48c32

Chapter 3

Ji Eun's POV

Pumunta ako sa library buti nalang walang masyadong tao dito umupo ako sa dulo at kinuha ko ang sandwich sa bag ko pagkatapos ko to kainin gagawin ko na ang assignment ko sa math ayoko kasing matambakan ng gawain hays nakaka bwisit talaga yung lalaki kanina.

Jungkook's POV

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at hinihintay namin si Suga hyung.

Taehyung: May balak pa ba yun pumunta dito? gutom na'ko eh

Hoseok: Hindi nayun pupunta siguro mahimbing na tulog nun

Taehyung: Siguro, pansin ko nga kanina sa English time inaantok si suga hyung hahaha..

Pansin ko rin kahit nga ako inantok. Habang nagtatawanan ang dalawa napansin ko na parang may iniisip si Jimin hyung

Jungkook: Hyung (tinapik ko siya sa balikat niya nagulat naman into)

Jimin: baket maknae?

Jungkook: Kanina kapa kasing walang imik jan may problema ba?

Napangiti siya sa tanong ko bago sumagot

Jimin: Wala, iniisip ko lang yung bago naming kaklase

Jungkook: Tsss inlove ka na yata hyung

Jimin: Hahah ewan ko ba maknae kanina kasi pagka pasok ko palang sa room bigla ako na statwa ng makita ko siya para ako nakakita ng isang anghel

Jungkook: Woah! easy hyung nandito ka pa sa lupa makakakita ka lang ng anghel pag nasa langit kana

Jimin: Hahaha loko!

Jungkook: Hinde biro lang hyung

Jimin: Aba at kelan ka pa natutong mag biro ah? Nahinto kaming apat ng dumating sina Namjoon at Jin hyung na dala dala ang tray

Jin: Nasan na ba si Suga?

Taehyung: Teka tatawagan ko

Tumingin ako sa entrance baka sakali nanjan na si Suga hyung pero iba ang nakita ko siya yung babaeng naglalakad sa hallway kanina agad naman siyang umalis

Taejhyung: Oh nandito na pala si Suga hyung

Hoseok: Bat ngayon ka lang?

Di siya pinansin ni Suga hyung at umupo ito sa tabi ni Namjoon hyung

Jimin: Hyung mukhang bad trip ka ah

Taehyung: Oo nga may nangyare ba hyung?

Suga: Nakaka bad trip lang yung babaeng naka bangga sakin kanina

Jin: Don't tell us pinatulan ka ng isang babae

Hoseok: Hahahah siya na ang pinaka kawawa pag pumatol siya sa isang savage king Napatingin kami lahat kay Hoseok hyung tiningnan ko rin si Suga hyung ang sama ng tingin nya Kay Hoseok hyung nako lagot na to

Namjoon: That's enough!

Nagulat kami lahat sa presensya ni Namjoon hyung natigil naman si Hoseok hyung sa pagtatawa

Namjoon: Di kana nakakatawa Hoseok

Hoseok: Sorry na

Jin: Hay nako kumain na nga lang kayo

Napatingin ulit ako kay Suga hyung may iniisip siya ng gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi niya nako hindi maganda to mukhang may plano siyang hindi maganda kawawa naman yung babae.

Taehyung's POV

Pagkatapos naming kumain nauna ng umalis sina Jin hyung at Namjoon hyung may gagawin pa daw sila. Si Jimin naman umalis nadin kaya apat nalang kami ang natira

Jungkook: Ah hyung mauna narin ako

Hoseok: San ka pupunta maknae?

Jungkook: Uhm basta hyung

Taehyung: Ano ba kasi yun jk?

Jungkook: Basta sige kita nalang tayo sa room

Taehyung: Uy teka

Agad na umalis si jk hmmm mukhang may tinatago

Suga: Alis narin ako

Taehyung: San ka pupunta hyung?

Suga: Sa room malamang

Hoseok: Sabay na ako

Taehyung: Pati ba naman ikaw hyung? Sige iwan nyo na'ko lahat, ganyan naman kayo eh

Hoseok: Ang drama mo sumama ka nalang kaya sa'min

Taehyung: Sige na hyung mauna na kayo pupunta lang ako sa library

Hoseok: At ano naman ang gagawin mo dun?

Taehyung: Tss parang di mo naman ako kilala hyung eh.

Hoseok: Haha biro lang sige basta sumunod ka huh?

Taehyung: Ne

Tuluyan na nga silang umalis at pumunta na ako sa library. Nang makarating na ako sa library nag tungo agad ako Kay sa Second floor tahimik kasi sun at walang masyadong tao pumunta ako sa pinaka dulo hinahanap ko yung paborito Kong math book. Favorite subject ko kasi ang math tinatawag nga nila akong Algebra Wizard kasi kahit ano kaya kong isolve. Ilang sandali at nakita ko na ang hinahanap ko mag isa lang kasi ang libro na ito dito wala na siyang kaparehas kukunin ko na sana ang libro pero nagulat ako ng makita kamay na pala ang nahawakan ko agad naman niyang inalis ang kamay niya at tuluyan ko na ngang kinuha ang libro.

Babae: Excuse me? ako nauna jan eh

Taehyung: Ah eto? sorry miss ako na ang nakakuha eh

Babae: Hindi mo ba alam ang kasabihan na Always Lady's First?

Taehyung: Tss hindi mo rin ba alam ang kasabihan n First come first serve?

Umiba ang tingin niya sakin mukhang na disappoint siya sa sinabi ko

Babae: Ako nga ang nauna jan eh

Napabuntong hininga muna ako

Taehyung: Okay let's just say na ikaw nga ang nauna pero binitawan mo at ako ang nakakuha

Umiba na talaga ang itsura niya, haha siguro naiinis na talaga to sa'kin.

Babae: Wala nakong panahon please akin na yan

Taehyung: Kailangan ko rin kasi to eh pasensya na

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya tumingin siya sa wrist watch niya napa kunot ang noo ko ng lumaki ang mga mata niya. Tumingin naman ako sa wall clock 15 mins nalang pala ang natitirang oras.

Babae: Tss kalalaking tao hindi marunong mag paraya

Sabay talikod niya sakin. Napabuntong hininga muna ako at sinundan ko siya

Taehyung: Miss sandali lang

Huminto siya sa paghahanap at lumingon sakin

Taehyung: Heto na

Sabay abot sa kanya. Nagtaka pa siya ng iabot ko sa kanya ang libro

Babae: Bat mo binibigay?

Taehyung: Mukhang kelangan mo talaga kasi eh

Napangisi siya sa sinabi ko na ipinagtaka ko naman

BBabae: Sana kanina mo pa napansin na kailangan ko talaga yan

Taehyung: Kaya nga ibinibigay na sayo diba? Pasalamat kana lang

Babae: Wag na sayo nalang yan.

Tumalikod na siya sa akin.

Taehyung: Tss Alan mo kahit buong maghapon ka pa mag hanap ng kaparehas nito wala kang mahahanap kaya kung ako sayo kukunin ko na lang to

Nahinto siya sa paglalakad at sabay lingon sakin mukhang nagtataka pa siya, tss siguro nahihiya siyang kunin ito sakin

Taehyung: Here. Iiwan ko dito kunin mo na'to before I change my mind.

Kumunot ang noo niya ningitian ko lang siya at tumalikod na ako.

Annyeong kooku's. Like and comment po Kamsa💖

14
$ 0.00
Avatar for Yuuki
Written by
3 years ago
Topics: Highschool, KPOP, Bts, Iu, School

Comments

Haha ang sungit ni girl

$ 0.00
3 years ago