Nanay!
Dati akala ko madali ang trabaho ng isang nanay.
akala ko maglilinis lang ng bahay, magluluto, magaalaga ng anak at asawa. Tapos na ang responsibilidad. Kaya naman nung bata bata pa ako nasagot ako sa magulang ko kase di kami magkaintindihan !
Pero nung ako na mismo ang nasa katauhan ng isang nanay, mali pala !
Maling Mali pala!
Maraming kang bagay na kelangan mong bitawan, na dati naman nung ika'y dalaga ay malaya mong nagagawa.
Maraming sakripisyo ang kelangan mong gawin pag ikaw ay nanay na.
24/7 Dapat alerto ka
Ika nga nila pag nanay ka nagiging doctor kana din, kase pag may sakit ang anak at asawa mo ikaw yung naanjan at gumagawa ng paraan para silay gumaling.
Anjan yung nagiging chef ka kase ikaw ang magluluto Agahan, tanghalian at Hapunan. May meryenda pa ! Plus, sobrang sakit sa ulo magbudget., Yung di ka naman magalingg sa math pero lumalabas math skills mo para lang makatipid.
Anjan yung nagiging teacher ka kase ikaw yung unang magtuturo sa mga anak mo. Yung kahit sobrang hirap na sige pa din basta matuto ang anak mo. Yung tipong lalabas na litid mo sa leeg kakasalita at turo lang ng tama sa kanila.
Anjan yung nagiging kargador ka kase pag wala ang asawa mo kahit anong bigat pa yan nakakaya mong buhatin. Lalo na water Jag , Charr!
Aminin ko simula nung naging nanay ako nagbago itsura ko, lalo akong tumaba, wala na akong oras para sa sarili ko. May time pa na nakakalabas ako ng bahay ng walang suklay suklay.
Niloloko na nga ako minsan dito parang hindi lang isa ang anak ko. Masakit oo pero kung para naman sa pamilya kaya di na nakapag aayos ay okay lang. Sabi ko nalang bawi nalang ako pag mejo malaki na ang anak ko.
Mahirap pala talaga, minsan nasa isip ko sana bumalik ang lahat nung oras na dalaga palang ako, yung wala akong iniintindi kundi sarili ko.....
Pero,
Pag nakikita ko ang anak at asawa ko walang pagsisisisi sa sarili ko. Oo nakakapagod maging nanay pero hindi tayo susuko.