Ang bakasyonista namin ๐ Almost 3 days travel via plane, 4 rides on a plane, palipat-lipat sila, from US to Philippines. Mabuti na lang at may Albay Airport na dito sa bikol. Kaya from Pasay airport to Albay Airport na sila, from Albay airport, travel naman silang almost 3 hours para makarating dito samin. Super pagod, hirap at sakripisyo nila, makauwi lang sila sa Pilipinas. Pero 2 weeks lang naman silang magstay dito sa bikol. December 3 uuwi naman sila ๐ฅบ Mag 10 months olds ang little boy nyan ng umalis sila dito ng kanyang Ina. Ngayon ay 8 years old na sya. Kaya sobrang tagal na talaga bago nakauwi sila dito at hindi na lang sya nag-iisa, kasama narin nila ang baby sister nyang 3 years old. Kaya naman sinusulit nila ang pagstay dito. Unang pagkakataon nilang sumakay sa tricycle, kaya naman manghang-mangha ang mga bata. Haha. Sila siguro ang dahilan kung bakit umiiyak ang ilong ko ngayon. Nosebleed lagi kasi kami dito. Wahhaha. Makanap na lang muna mga ka noise. Umiiyak naman ang ilong ko, grabe yung sipon ko kasi. Hehe. See you all later .. ๐
24 comments
I'm sure magustuhan nila yung Pinas marami magagandang tanawin nature at pasyalan sa atin at mga local delicacy masarap din, enjoy lang sila pag stay sa Pinas.
Yes sis. Sinusulit nila ang pagstay dito. Todo bonding sa mga pinsan. Pasyal- pasyal kung saan.
Nakakapagod naman pala ang naging biyahe nila hehe.
Sobrang pagod talaga sila sis, kapag umaga tulog sila, sa gabi naman gising. Hahaha.
Nagbakasyon pala si baby.
Yes sis.. Kaya napapalaban ako sa english. Haha.
Ang layo ng biyahe nila. I tour mo para masulit ang kanilang pagbabakasyon. Happy tour guide.
Sobrang layo sis.. kaya naman ng dumating sila, ay panay tulog sila. Haha.
Saakin 3days na tulo ngayon naman para ng alaskang malapot ang hirap lumabas ahaha๐
Ang sakit sa ulo sis. Huhu.
Magsasawa din yarn inom lang ng maraming water hindi kb nainom ng antihistamine?
Hindi sis. Iinoman ko ito mamaya lemon with luya.
Ang haba ng byahe.
Sobra sis. Kawawa nga yung mga bata.
Ampoging bata nito sis no. Ano nationality nya.
Americanongpinoy. Hehe.
Spokenin dollar yang mga pamangkin mo sis ah. Dami nilang stop over. Oks lang yun makatuntong man lang sa ibat ibang bansa.
Daming stopover talaga sis, kaya bogbog ang katawan nila. Tapos yung vacation nila ay 2 weeks lang naman.
Bilis lang. Kaya walang sayang na oras.
Parang namamangha pa sa dinadaanang lugar ang poging batang iyan ha?
Mangha talaga sis, lalo na kapag dumadaan sa lubak na daan. Haha.
Haha! First time niyang makakita ng lubak. Haha! Hope na-enjoy nila ang bakasyon nila dito.
Oo sis. Kahit sa tubig ulan, tuwang-tuwa sya, kasi dun sa kanila wala naman ulan, kundi snow lang ang nakikita nila dun. Enjoy naman, kasi marami silang kalaro ditong mga pinsan.
Mabuti naman at marami silang pinsan diyan na pwede nilang makalaro. Tiyak na mag-eenjoy nga sila.