read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Nandito na sya Nandito na sya para bigyan ulit tayo ng Pag-asa Nandito na sya para bigyan sigla ang ating umaga Nandito na sya para maging maliwanag ang kislap ng ating mga mata. Liwanag man nya ay sobrang nakakasilaw. Pero yan ang daan para bigyan tayo ng liwanag sa daan nating hinaharap. Mula sa madilim na gabi. Liwanag nya ngayon naman ang maghahari. Kaya halina at ating salubungin. Liwanag man nya ay sobrang nakakaduling. Pero pagkatandaan natin sa bandang hapon liwanag nya ay lalamunin ulit ng dilim. Kaya ating samantalahin mga gawain dapat ay tapusin. Kasi ang oras ay sadyang napakatulin. Kaya sige baka ikaw ay mapag-iwanan na. Ysa19-🌸

30 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.