read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Bee and Flower's 🌺 Gandang tingnan ano. Daming bulaklak and once nabulaklak ang usapan hindi dyan mawawala ang bubuyog. Bakit sa tingin nyo gustong-gusto ng bubuyog dumikit sa mga bulaklak? Hm! Para sakin kasi gustong-gusto nyang dumikit sa mga bulaklak kasi alam nyang may makukuha sya dun. Kaya bumabalik-balik sya. Baliwala kung paikot-ikot sya at mahilo pa sya. Haha. Katulad din dito sa Noise. Bakit nandito tayo sa Noise? Dba, kasi may nakukuha tayo. Hindi lang dahil sa tip, kundi sa mga taong nakikilala natin dito. Nakukuha nating ngumiti, sa kabila ng malungkot nating buhay. Nakukuha nating makiusap sa mga tao, kahit sa totoo hindi naman tayo madaldal. Nakukuha nating ishare ang ating nararamdaman, na sa totoo hindi mo man lang ito masabi sa mga kasama mo sa bahay. Kaya tayo bumabalik-balik dahil sa nakukuha natin. Pero kahit wala sana tayong makuha. Ganun parin sana.. Gaya ng dati.. Masayang maging masaya Kapag nandyan sila. Ramdam mong hindi ka iiwan. Kahit na dumarating oras na walang-wala kana. Daming ko namang nasabi. Nagsimula lang sa bubuyog at bulaklak.haha.. Solid Noisecash lang po, Kahit anung mangyari dito ako lagi. Kahit pa dumarating na walang-wala. Mananatili ako dito.. hanggang sa dulo. Goodmorning Sabado Ysa19-🌺

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.