I took this pics yesterday in Albay. Just a little bit sad kasi hindi ko masyadong nasilayan ang gandang taglay ni Bulkan Mayon. Very gloomy kasi ang weather kahapon, natatakpan sya ng makapal na ulap. Pero yan parin ang famous CAGSAWA RUINS, hindi sya natitinag sa kinatatayuan nya. Hahaha. Ang dami ng mga taong namamasyal dun. Muling nagkabuhay ang buong paligid. Marami ng mga tourist na galing pa sa ibang mga lugar oustside bicol. Maraming mga nagtitinda ng mga souvenir items. Mga ibat-ibang klaseng mga kainan. Mamimili ka lang kung san mo trip kumain. Haha. Pero yung pinili namin yung may sabaw, kasi mas maganda yung mainitan ang tiyan mo lalo na yung mga kasama kung sobrang hilo na sa biyahe. Para kaming napunta sa Baguio City. Yung MISIBIS BAY RESORT Pala kasi parang nasa dulo ng ng Albay yun, boundary na ng AlBay and Sorosogon. Parang kaming nakasakay sa roller coaster. Matitirik ang daan, ups and down, ups down. Kaya pati si WAZE ay nahilo narin yata, hindi na kumikibo. Haha. Yun pala at wala ng signal. Masaya kahit sobrang nakakapagod yung adventure na yun. Sabi nga hindi mo makukuha ang isang bagay na gusto mung maabot o marating kung hindi mo ito pagsusumikapan. Kailangan mo ring dumaan muna sa hirap para makuha mo yung inaasam mung tagumpay. π Maganda umaga mga ka Noise. Kayo ano naman ang kwento nyo? Halina kayo at mag-ingay muli dito.
16 comments
Wow malayo amg narating mo now.. ahahahaa.. nagenjoy ba.. woot woot.. ayos bat ang dami ngang tao
Malayo talaga ang narating ko. Parang biyaheng langit na. Haha. Nag-enjoy naman kahit sobrang kapagod sa biyahe. Dami na ngang taong namamasyal dyan ulit. Muling nagkaroon ng buhay ang tourism industry.
Gusto ko din mkarating dyan sis
Uwi kana sis dito sa bicol. Wait ka daw ni daragang magayon.. hehe
Naku sis sana nga, dumadami na naman ang covid paano na
Back to alert level 3 na yata ang manila ano?
Oo sis start na yta ngaun
Matibay nga yan. Nakita ko na din yan dati nun nagpunta kami ng sorsogon. Napadaan kami jan sa lugar na yan
Daming tao naman sis. Buhay na buhay naman ang tourism industry. Matatag talaga si Cagsawa Ruins hehe Hindi nagpapatinag kahit anung mang bagyo ang pinagdadaanan nya.
Oo nga sis eh kahit sa tagaytay, grabe daming tao. Wala ng social distancing. Basta maging happy lang mga tao.
Pero nakakatakot parin sis. Kaya hindi kami masyadong tumagal dun. Hindi tayo nakakasiguro, nandayn parin ang covid. Muling kumakalat naman si omicron. Kaya ingat talaga
Oo sis! Dito sa amin daming inubo. Buti kami busy sa pipintura ng bahay kaya di kami nalabas
Ang lamig pa kasi ng panahon sis. Kaya uso ang ubo at sipon.
Kaya nga eh. Ang dating simpleng sakit ngayon pinalala na nila.
Sayang nahiya pa si mayon,dahil nagtago hahaha
Natakot yata sa mga tao. Baka mahawaan sya ng virus. Haha.