Share ko lang mga ka Noise about sa nangyaring accident dito sa tapat ng bahay namin nung isang araw. Around 4 am in the morning bigla akung nagising sa mga ingay ng tao sa labas. Pero deadma ko lang yun, kasi sanay na ako sa ingay, nasa tabing kalsada lang kasi ang bahay namin. Pero biglang kumatok yung kapatid ko sa pintuan at Ang Sabi nya sakin, kung nasave ko ba daw yung number ng ambulance? Sabi ko bakit ano namang nangyari? Kasi daw may accident na nangyari sa tapat namin at need ng ambulance. Kapag ganun kasi, ako yung nilalapitan nila kasi alam nilang may mga number ako sa ambulance, NDRRMO and Police number din,, talo kopa ang 911 ano.haha. Dapat ganun tayo, isave yung mga mahahalagang numbers, kasi incase of emergency, may matatawagan agad tayong tulong...so yun nga tinawagan ko yung ambulance number,,, si sir halatang antok na antok pa sya ng makausap ko.haha. For my curiosity lumabas ako ng bahay kahit medyo madilim pa, nakita ko yung na accident , nakahiga sa kalsada, sigaw sya ng sigaw sa sakit. Tinatawag nya Ang ate nya, mama nya, daddy nya, ang sakit daw ng ulo nya. Sabi nung mga lumapit sa kanya ang dami na daw dugo na lumalabas sa ulo nung bata, kasi nasa 16 to 17 years old lang yun.Sabi nung kasama nyang isa, kasi nagising na sya, galing daw sila sa beach. Kung saan sumunod sila dun sa kapatid nung may malalang Tama at Hindi daw pala yung pinapayagan na umalis ng Lolo nya. Ang ginawa ng bata, itinakas yung motor ng Lolo nya at yun nga sumunod sila sa beach. To make story short around 4 am ng pauwi na sila ng mangyari ang lahat. Medyo nakainom daw yung bata. Kaya ganun ang nangyari. As usual yung ambulance late naman dumating kasama ang police.Parang sa movie lang, late lagi sila. Sabi nung nagbibigay ng aid sa dalawa, huwag daw matulog yung bata. Pero that time kasi ng dumating yung ambulance, Wala na kaming naririnig na iyak mula dun sa may malalang Tama. Ang latest update dun,, namatay na daw yung isa. .Nakakalungkot isipin. Galing sa isang kasayahan, nauwi sa madilim na kamatayan ang buhay nya. Isang aral ito para sa mga kabataan. Huwag maging matigas ang ulo niyo. Makinig parin kayo sa mga nakakatanda sainyo. kahit pa sabihing kaya niyo na ang buhay nyo. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya dapat pahalagahan nyo ito. Para yung buhay na ibinigay sainyo, ay Hindi masayang sa isang iglap lang...😔 By the way mga ka noise. Hindi relate ang pics sa post ko, Pero dahil umuulan ngayon dito. Kaya may pa dewdrops ako 💦
6 comments
Totoo Yan sis makinig at sumunod sa mga sinasabi Ng nakakatanda bilang respeto na rin sa kanila.
Oo sis, para sa kapakanan din nila yun.. tingnan mo yang kwento ko dito. Itinakas nya lang yung motor sa Lolo nya..
dont drink and drive.. if di maiiwsan make sure kayang kaya umuwi.. angkas ka man pasahero o driver...
Wala na! Dead na sya,,kawawa lang yung bata.
well kaya din enjoy din ang buhay sa tama.. dahil all can be gone in an instant..
Yup! Kasi sayang ng buhay, kung Basta na lang matatapos sa isang iglap lang.