Old House (part 2)

4 25
Avatar for YourHappinessVtwo
3 years ago

Ang ating baby ay isa sa mga Precious Gift saten ni God pero karamihan din sa mga baby ay may kakayahan.. Kakayahan makakita ng kung ano ano dahil sabe ng mga matatanda na active daw ang Third Eye ng mga baby.. Totoo kaya?

What if yung baby mo or baby sa house nyo ay nakakakita ng Multo and What if kung yung baby nyo ay dinescribe pa kung anong itsura non? Anong gagawin mo?

Isa sa mga creepy experience ko doon at ang baby ko sa dating bahay namen na ngayon ay Giba na..

Araw-araw nasa kabilang bahay kami kasi ang boring nga don sa Lumang bahay ni walang kalaro yung baby ko kaya tuwing umaga nasa kabila kame nang gugulo HAHAHA. Sheng sheng ang palayaw ng baby ko sobrang active madaldal at makulit.. Mag 3 years old palang siya nung nangyari to.. Sabi nga ng kuya ko grabi daw talas ng dila at bibo sa ganon edad nya sabe nya pa parang matanda na daw 🀣

Isang Gabi nagulantang lahat ang tao sa iskinita namin.. May naamoy ako na parang Kuryente kaya dali dali ako lumabas para sabihin kila tita sa kabila kaso bumungad sakin yung kumikislap na kuryente sa taas sa bubong ng kapit bahay katabi ng bahay ng tita ko.. Sumigaw ako ng sunog kaya nag labasan sila sabi nung isa na patayin lahat ng Fuse sa bahay para maayos.. Kaya hanggang gabi walang ilaw samin perwisyo talaga yung mga ano e alam nyo na 🀣🀣 HAHAHA! 🀫

11 na noon at gising padin baby ko napakainit kaya taga paypay lang ako. Ako si mama at si baby lng ang tao sa bahay sa kwarto namen natutulog yung kapatid ko may Double Deck don na ginawa lang ng tito ko kahoy lang sya wala din doon pintuan tanging kurtina lng ang nagsisilbing harang doon. Si mama naman ay nasa isa pang Double deck katapat ng kwarto. Bali dalawang Double deck na gawa sa kahoy ang meron kame sa bahay sa kwarto at sa gilid ng Sala at kame ay may malaking kutson na nilalapag lang namin sa Sala.

Katapat lng din namin ang kwarto noong Gabi na yun iyak ng iyak baby ko hindi ko alam bakit kaya sabi ko doon nalang kami matulog sa sala sa kabilang bahay natigil naman sa pag iyak si baby. Pati si mama sa kabila na din natulog.

Simula noon tuwing Gabi na papasok kami sa bahay at napapatingin ang baby ko sa taas ng double deck sa kwarto ay umiiyak siya at Simula noon nahirapan na ko mag patulog sakanya pero sa kabilang bahay naman di siya umiiyak.

Tatlong araw ganon siya kaya tinanong ko bakit siya iyak ng iyak..

"Mumu" Sobra kong kinilabutan sa sinabe niya kaya mas nilakasan ko loob ko. Tinanong ko ulit kung asan ang mumu. At tinuro nya yung sa kwarto sa taas ng Double Deck, yung kapatid ko kasi natutulog doon sa baba sa taas non ay puro laruan lang na nakatambak.

Nagtanong ulit ako sa baby ko dahil sa sobrang inis at takot dahil napeperwisyo na nya anak ko.

"Anong itsura niya baby?"

"Di-dirty.. tapos ganto ohh.." Pinakita nya sa akin yung nakataas na kamay parang zombie tapos baluktot daw yung braso.. Naiimagine ko na at sobrang kilabot ko noon pero hindi ko pinapahalata kailangan maging malakas lalo na para kay Baby.

"Wala eyess tapos itim tapos dirty mukha.." Pilit nya padin nidedescribe yung itsura narinig din ng mama ko yun sobrang kilabot nya minura nya yung multo sa kwarto maski ako tas hinagisan ko ng asin.

"P*tang inamo! Lumayas ka dito! wag mong tinatakot anak ko papatayin kita!" Yan nalang talaga ang nasabi ko noon

Kinaumagahan nagpadasal tita ko doon at nagpa Enseno pangtanggal daw ng masasamang Elemento. Tuwing Biyernes nag Eensenso na kami at kahit papano hindi na umiiyak yung baby ko tuwing Gabi. Gusto ko nga sana ipatawag noon si Ed Caluag kaso mahal di kakayanin ang badyet 🀣🀣

Ang tawag nga ng baby ko doon sa lumang bahay ay Pangit house 🀣 nakalimutan na din nya ang tungkol doon. Nagkwento pa nga si mama kasi maski siya pinagpaparamdaman lagi kasj siya mag isa doon sa bahay.. Simula noon tumatambay nadin sila tita at lagi na kami nag iingay. Laking tuwa namin at Giniba na ngayon 🀣 Pero simula noon tinuruan ko na din baby ko na mag Pray para kahit papano alam nya na may nagbabantay sakanya at yun naging Komportable na ulit siya.

Minsan talaga kapag napakatahimik ng bahay pupugaran talaga ng Good or Bad na Spirit. Dito sa kabilang bahay may Good Spirit na nakatira bata siya. Yung tita ko nakakaramdam, madalas kasi mga tao sa bahay wala dahil nag wowork at pumapasok sa school noon kaya si tita lang ang naiiwan minsan daw may mga laruan siyang naririnig sa taas na tumutunog minsan nga daw tumatalbog yung bola pero pag akyat niya walang tao pero makalat πŸ˜– Creepy pero okay lang daw yun atleast hindi nang gugulo..

Hanggang dito nalang sana nagustuhan nyo! Salamat po sa pagbabasa ☺️ Pwedeng pwede po kayong mag comment tungkol sa kwento.

πŸ’•πŸ’•

3
$ 0.25
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.05 from @mhy09
Sponsors of YourHappinessVtwo
empty
empty
empty
Avatar for YourHappinessVtwo
3 years ago

Comments

Anlaaa, grabii na describe talaga ng baby mo aguyy 😱 pero buti at nalimutan na nya trauma sa iba un if ever. And, good thing tinuruan mo din mag pray. Panangga natin yan sa lahat kaya pray lang talaga πŸ™πŸ™πŸ’™

$ 0.00
3 years ago

buti nakalimutan nya agad grabe takot nya sa muka nung dinescribe nya kaya naawa din akoπŸ˜–

$ 0.00
3 years ago

Natawa ako mamsh sa Ed Caluag ... πŸ˜‚ ang creepy naman ng itsura ng mumu sa pagdescribe ni baby mo, iniisip ko pa lang nakakatakot na...

$ 0.00
3 years ago

hahaha true mamsh buti nlng ngayon wala na nkikita :D

$ 0.00
3 years ago