Old house

4 10
Avatar for YourHappinessVtwo
2 years ago

30 years tumira ang Family ko sa dati naming tinitirhan na bahay pero now wala na kami doon dahil Giniba na dahil papatayuan ulit ng panibagong Bahay..

3 Families kami noon ang nakatira doon kaya everyday napakaingay ng bahay.. Kahit maliit ang bahay nagkasya kami at nag salo salo.. Pero napagdesisyunan ng tita ko na bumukod na at kaming Pamilya nalang ang nakatira doon. Medyo malapit lang samin ang nilipatan actually isang bahay lng ang pagitan HAHAHA!

Maliit lang ang bahay doon pag pasok mo Sala then katabi noon ay kusina.. Sa sala na kami natutulog ng baby ko at nung asawa ko. Grab Driver sya at laging Gabi kung lumabas at Umaga na umuuwi.

Lagi ng tahimik sa bahay dahil yung mga kapatid ko sa kabilang bahay na tumatambay kaya minsan natatakot din ako dahil parang iba na din ang nararamdaman ko tuwing gabe..

Madaling araw noon at nagpe Facebook pa ko naghahanap pa ko nun ng pagkakitaan HAHA! Di ko sinasara ang pinto dahil madaling araw na din umuuwi ang kapatid ko. May biglang kumatok sa pinto hindi ko pinansin kasi hindi naman nakalock, kelengan lang itulak ng malakas para mabuksan to. Lumalakas yung katok hanggang sa piniem ko yung kapatid ko kung siya ba ang kumakatok pero sabi nya hindi daw. Ilang minuto lang nawala na, pero araw araw ko naririnig na may kumakatok sa pinto. Hanggang sa isang gabi nilock ko na yung pinto sa takot ko na din na baka tao lang yun na nanloloko kaso iskinita samin at kung may ibang tao man tatahulan to ng aso bali 2 aso ang nasa iskinita namin noon at pangalawa sa dulo ang bahay namin.

Malakas na mga katok ang narinig ko non kaya ginising ko mama ko.

"Ma! Naririnig mo ba yun?! Sabe ko sayo e di ako nagbibiro!"

"Hala oo nga teka"

Yung katok malakas pero hindi nagdadabog pero parang gustong gusto pumasok.. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko non. Yung baby ko nagising lumipat kami sa kwarto sa sobrang takot ko sabi ko sa mama ko kumuha sya ng kutsilyo. 😁

Bumama si mama at sumigaw kung sino ang tao. Kasi may kumakatok padin, nung sisilip na si mama sa bintana sa kusina nawala yung katok kaya sabi ko na hagisan nya ng Asin HAHAHA! Nipm ko din kapatid ko non na umuwi na tignan kung sino tao sa pinto. Pero walang naabutan. Doon lang namin binuksan yung pinto noong dumating yung kapatid ko na may kasama ding kaibigan. Pinag titignan nila yung CR sa dulo pero walang tao kaya sobrang kilabot namin non.

May bumaba na kapit bahay noon at sabe na naririnig nya din na may kumakatok kasi sa taas lang namin yung kapitbahay kaya minsan natatakot kami. (Ganon talaga pag chismosa lahat naririnig echos)Baka nga daw buntis ako sabi ko Asa HAHAHA! Sabi pa ng kapatid ko na sya din daw minsan may naririnig na kumakatok pero sinabihan ko sya na wag na wag nyang bubuksan pag walang sumagot..

Pero naalala ko kasi may Cr doon sa dulo medyo malapit samin. Kung saan may nagpakamatay na lalaki doon, Nagbigti kasi sa sobrang Stressed πŸ˜₯ Kasi sa iskinita sya nakatira noon walang pumapansin sa kanya. Matanda na at nanlalabo ang mata.. May mga kapatid sya kaso may pamilya na at may bahay, siya kasi wala kaya andon lang sya sa iskinita.. Naalala ko pa noong araw na nagbigti sya nagkwento yung mga kapitbahay ko na binubulungan sila na magpapakamatay na daw siya at naghahanap din daw ng lubid o tali.. Pero hindi pinanpansin kasi akala biro πŸ˜₯ Hindi daw sya mahanap noon tas may iihi sana don kaso umurong kasi nga nakita siya doon nakahandusay na at may lubid na nakasabit. Kaya noong kinaumagahan pagtapos ng mga katok ay pinadasalan ulit at tinirikan ng kandila yung Cr.

Baka kaya katok ng katok kasi nangangailangan ng dasal o pansin.. Simula noon wala ng kumatok sa Pinto namin. At kahit papaano nabawasan yung takot o kaba sa dibdib ko lalo na may baby akong kasama..

Salamat po sa pagbabasa! May part 2 pa kasi may iba pang nangyare.. Sa loob ng bahay πŸ˜₯πŸ˜₯

2
$ 0.40
$ 0.40 from @Ruffa
Sponsors of YourHappinessVtwo
empty
empty
empty
Avatar for YourHappinessVtwo
2 years ago

Comments

Hala halaaaa, minumulto kayo oi. Kala ki mga FB lang ang nang goghost, cheret. Baka naman nang ttrip lang talaga? Tapos magaling magtago para takutin ang Lahat? Mas maganda jan pray kayo.

Pero kawawa naman ung nagbigti, siguro sa sobrang pagka lonely nya di na nya kinaya. Yan din ang mahirap ay. Yong nag anak para sana may kasama sila pag tanda, kaso ni isa walang natira sa kany. Kawawa naman, tsk. Pero, asan na agad ang kasunod. Anong nangyare? Nahuli ba? Or manananggal?

$ 0.00
2 years ago

salamat po sa upvotee 😍😘

$ 0.00
2 years ago

hahahaha wala kasi anak yan 🀣🀣 Mayang gabi ko gawin para mas intense🀣 tungkol to sa baby ko

$ 0.00
2 years ago

Naniii, baby ba yan na nang mumulto? Wait ko yarn wehehehe

$ 0.00
2 years ago