Matapos ang nangyare sa akin sa Office nagpasya silang ipa dasal at lagyan ng mga kandila ang table kung saan nakaupo si Helen.. Simula noon ay hindi ko na nakikita si Helen ngunit nandon parin ang pakiramdam na yung presensya nya ay nasa Opisina pa din..
Gusto ko sanang malaman kung kailan ito nangyari at kung bakit.. ngunit walang sumasagot sa aking mga katrabaho..
Naikwento din saken minsan ng mga kawork ko na madalas silang nakakarinig ng tunog ng Keyboard sa Desk ni Helen minsan pa nga daw ay may kumakanta dito ngunit di na nila ito pinapansin dahil kung ipapakita daw nila na takot sila ay baka mas takutin pa sila..
***
"Oyy Daisy dito kana uupo!" Sambit sa akin ng aking kawork na si Liam noon. Tumango nalang ako at sumunod.
Malapit sa aking likuran ang Desk ni Helen.. Ngunit hindi ko na ito tinitignan pa dahil ayoko ng maulit ang nangyari sakin..
"Oh okay naba ang pwesto mo diyan?" Sambit sa akin ni Liam na katabi ko lang..
"Ah oo salamat.."
"Kung may maramdaman kang kakaiba, kalabitin mo lang ako.. Ako na bahala sayo." Sabay kindat nito sa akin, di ko mawari kung isa ba siyang manyak o ganon lang talaga siya kaya nginitian ko nalang ito..
***
"It's A Good Day today at **** Bank.. My name is Daisy, how can I help you?"
"I would like to know my remaining money in my account.."
"I'll be Glad to help you! May I please get your Bank Account number and the name of the Account?"
"Sure, It's Tra-.."
Nahinto ang Customer sa kabilang linya na kausap ko dahil narinig kong may bumagsak sa linya ng kausap ko sa isip isip ko ay may kausap ito kaya hinayaan ko muna ng ilang minuto..
"Ma'am are you still there?"
"Oh yes.. I thought you're speaking to someone.."
"I'm just waiting for you Ma'am.. Can we continue now?"
"Sorry someone is whispering to you now that repeatedly saying Akin kalang.."
Kinilabutan ako sa sinabi ng Costumer kaya agad akong napatayo at tumingin sa paligid.. Kakaonti nalang ang nandoon at lahat sila ay seryosong nakikipag usap sa mga Costumer.. Tumingin ako sa orasan ko at 6 na ng Gabi..
Bumalik ako sa kausap ko ngunit binaba na nito ang Tawag.. Nag ayos na ako noon at nagmadali ng Umalis sa Opisina.. May naririnig akong Humahagikgik noong napadaan ako sa Desk ni Helen ngunit hindi ko ito pinansin at Dinalian na ang Lakad.
"Oh mga Madam! Mag-ingat ho kayo!" Bati sa akin ng Gwardya ngunit tumingin ako sa aking likuran.. Wala naman akong kasabay, tanging ako lang naman ang bumaba kaya bakit Mga?
Hindi maganda ang pakiramdam ko noon.. Kaya dumiretso muna ako sa Malapit na Simbahan sa aking Trabaho..
Pagpasok ko ng simabahan ay nawala ang mabigat kong pakiramdam.. Tumulo ng mabilis ang mga luha ko na matagal ko ng itinatago noong nakita ko ang Rebulto ng Panginoon.. Matagal tagal na din noong hindi ako nakakabisita sa Simabahan.. Tumungo ako sa harapan kung saan malapit ang Panginoon..
"Ba-bakit.. Bakit tatay ko pa ang kinuha mo! Bakit hinahayaan mong magkasakit ang Pamily ko! Ngayon nagtatrabaho ko para maianhon sila pero bakit ganito! Bakit binibigyan moko ng Ganitong Problema!" Napaluhod nalang ako habang humahagulgol sa pag iyak.. Gustong gusto kong ilabas noon lahat ng bigat ng nararamdaman ko tutal wala na din tao doon..
Sobrang daming Problema ang nangyari sakin bago ako makahanap ng trabaho kaya sobrang bigat ng pakiramdam ko at kumawala noon nung nailabas ko sa Simabahan.. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.. Hindi ko napansin na napalakas pala ang aking boses sa pag sigaw..
"Iha.. Hindi mo dapat kinukwestyon ang Panginoon.. Heto tanggapin mo.. Tatandaan mo na hindi ka nag-iisa lagi mo siyang kasama.. Kaya ka nya binigyan ng ganyang Problema ay para lumakas ka kaya Lumaban ka at kumapit sa kanya.."
Isang Pari ang lumapit sa akin.. Nginitian nya ako at binigay ang maliit na kahon na naglalaman ng isang Gintong Rosaryo.. Tinanggap ko ito at tsaka umalis ang Pari.. Hindi ako makapagsalita noon hindi dahil nakakahiya ngunit sa sobrang tuwa.. Agad kong sinuot ang Rosaryo sa aking braso na para bang Bracelet..
***
Pag kauwi ko ay ibinagsak ko na agad ang katawan ko sa kama at nagpahinga..
Nagising ako dahil sa Malakas na katok sa pinto.. Pagtingin ko sa orasan ay 11:23 na ng Gabi.
"Sino yan?!" Nilakasan ko ang loob ko at sumigaw.. Ngunit walang sumagot.. Nilock ko lahat ng pinto at bintana sa aking Apartment.. At tinawagan ko ang aking nanay..
"Oh bat ka napatawag anong oras na ahh.."
"Ma! May nanggugulo sa akin dito.."
"Ha? Tumawag kana ba ng Pulis?"
"Ma hindi sila maniniwala dahil palagay ko hindi to tao.."
"Ay nako anak ako na tatawag! Magdasal ka at wag mong ipakitang takot ka!"
Binaba na nito ang tawag at lumalakas ang katok sa pinto kaya tumakbo ako sa kwarto ko at nilock ito at nag dasal..
Gumaan ang pakiradam ko noong nahinto ang malakas ng katok ngunit kasunod noon ay ang malakas na pag bukas ng pinto sa aking apartment.. Takot na takot ako noon hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nag taklob na ako ng kumot.. Gustong gusto kong sumigaw noon para humingi ng tulong sa mga katabi kong apartment ngunit hindi ko magawa dahil wala ng lumalabas sa bibig ko..
Mas natakot ako noong nawalan ng kuryente ang buong apartment ko.. tanging Ilaw ng Buwan ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ko. Isang nakakabinging katahimikan lang ang nasa kwarto ko noon nang may malakas na hangin ang dumaan sa kumot na syang nag pataas ng aking mga balahibo..
Naramdaman ko na unti unting bumaba ang kumot ko kaya ipinikit ko ang aking mata.. makalipas ang ilang minuto ay dahan dahan kong idinilat ang mata ko para makita kung ano nangyari sa paligid..
Isang Itim na Elemento at madaming galamay ang nasa aking kisame nakabaliktad ang ulo nito kaya nakaharap ito sa akin habang ang katawan nya ay nakaharap sa kisame.. Mapulang mga mata, nakakatakot na ngiti, at madaming hiwa na inuuod ang nasa mukha nito at may dalawang malaking sungay.. Naiiyak na ako sa takot noon..
Pumikit ako at inumpisahang magdasal.. Ngunit narinig kong sinasabayan niya lng ako at tumatawa ng malakas.. Agad kong naalala ang Rosaryo na binigay ng Pari kanina, hinawakan ko iyon at tinawag ang Pangalan ng Panginoon..
"Lord, save me..Lord, Help me.."
***
Author's note
Thank you po sa pagbabasa!
Hanggang dyan nalang muna kasi di na din ako makahinga HAHAHA! Habang sinusulat ko to nakapatay ilaw kaya tumataas balahibo ko 😝
May next pa po yan Feel free to share your opinion sa comment section Maraming salamat po ❤️
Go lang po ganda pero kinabahan ako habang nagbabasa kasi ako mag-isa lang ako sa kwarto.