Sa malawak at malamig na Opisina na punong puno ng Desk na animo'y walang kababalaghan na nangyayari ang nagtatrabaho na si Daisy.. Hindi ito naniniwala sa mga kababalaghan dahil wala pa nga itong karanasan ngunit dahil sa Isang tao na nagtatrabaho doon ang magpapabago sa paniniwala niya.
***
Ako pala si Daisy.. Isa akong Call center sa Manila.. Bagong pasok palang ako dito.. Akala ko ay magiging maayos ang aking pag tatrabaho ko dito ngunit nagkamali ako..
"Okay ma'am! Thank you for Calling!"
Pagbaba ko palang ng Telepono ay may Nagsalita na agad para kausapin ako..
"Bago kalang dito no?" Bungad sa akin ng Babae na katabi lang ng table ko..
"Ahh opo.. Ako nga po pala si-"
"Daisy? Oo kilala na kita.. Sinabe sakin ng Kaibigan ko.. Btw ako pala si Helen.. Nice to meet you!" Naweirduhan ako sakanya at napansin ko na yung mga katrabaho ko ay nakatingin sakin na para bang takot na takot..
"Ahh.. Nice to meet you din po.." Nganitian nya ako at hindi na nakipag usap dahil Bumaling na siya sa kanyang Computer.
10am to 6pm ang aking Schedule at nakakauwi ako ng 7pm sa nirerentahan kong Apartment dahil 2 sakay pa ko bago makarating doon.
Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa aking Apartment ngunit noong gabi na galing ako sa Work ay parang may nakatingin sa akin yung pakiramdam ko na hindi ako nagiisa.. Hindi ko nalang ito pinansin.. Nagpahinga ako noon ngunit nagising ako ng may kumakatok sa aking pinto.
Tumingin ako sa aking Cellphone at nakita kong 3:21am na. Mahinang katok ang nanggagaling sa aking Pinto ngunit hindi ko ito pinansin sa sobrang pagod na din at bumalik nalang ako sa aking Pag tulog..
***
"Uy Daisy!" Bungad sa akin ng isa sa mga TL ko..
"Hello po.. Magandang Umaga.."
"Ako pala si Trixie.. Sabay ka samin mamaya mag Lunch! Wag ka mag-alala libre ko Hahaha!"
"Si-sige po.." Hindi na ako nakatanggi dahil wala pa naman akong kaibigan doon. At ang tanging kilala ko lang doon ay si Helen..
Si Helen na nakatulala noon sa Computer niya ngunit nakangiti ito.. Medyo weird kaya hindi ko na binati..
***
"Friend nyo din ba si Helen?"
Napatigil ang mga katrabaho ko na noon ay ngumunguya ng kani-kanilang Pagkain..
"Nako Day! Kaya kita sinama dito dahil diyan.."
Nacurious naman ako kaya kung ano ano na ang naitanong ko..
"Ha.. Buang ba siya? O may sapak? Kasi madalas nakatulala lang sya sa Computer niya.."
Nagtawanan sila sa akin noon ngunit ako ay seryoso sa aking tinanong.. Kumunot ang noo ko non nung huminto si Trixie at tinitigan ako ng masama..
"Walang Helen na nagtatrabaho dito!"
Lahat na ata ng Balahibo ko ay nagtaasan noon sa sinabe niya..
"Walang nakaupo doon sa katabi mo matagal na.. Simula daw noong may namatay doon sa Office at doon sa katabi mo nakaupo kaya nga nagulat kami dahil may kausap ka kahapon na hindi namin nakikita, akala namin nabubuang kana.."
Naguguluhan ako sa sinabe niya.. Dahil napakaayos ni Helen kung titignan ngunit ang Weird lang niya talaga.. Tumakbo ako papuntang Office para kumpirmahin.. Hinabol nila ako ngunit naunahan ko padin sila..
Nakita ko si Helen na nakaupo sa kanyang kinauupuan..
"Sabi sainyo totoo siya e!" Sigaw ko sa mga katrabaho ko at noong pinaikot ko ang upuan ni Helen para iharap sa kanila ay laking Pag sisi ko..
Isang babaeng nangingitim ang muka na walang mata at nakaluwa ang Dila habang nakangiti at punong puno ng Dugo ang kanyang damit ang bumungad sa akin.. Kasunod noon ay ang pagbagsak ko sa Sahig..
Wala akong maalala sa mga sumunod na nangyari.. Basta ang naalala ko ay ang nakakagimbal na mukha ni Helen.. at nawalan daw ako ng malay..
***
Author's Note
This is just a fictional story.. Ito po ay gawa ng malilikot kong imahinasyon.. π€£Marami pong salamat sa pag babasa! May kasunod pa po iyan.. Gusto ko sana maglagay ng Picture kaso maski ako natatakot habang iniisip to kay wag na HAHAHAHA!
Oi ang galing, magaling kang gagawa ng Horror Story ee. π±