Doppelganger

6 52
Avatar for YourHappiness
3 years ago

Ito ay isang kathang isip at walang bahid na katotohanan na nangyari

***

Summer noon at nagbabakasyon ako sa bahay ng Mama ko, wala kasi siyang kasama noon at si papa laging overnight sa work niya.. Kaya lagi siyang wala pag gabi.

"Mama ano ulam?"

"Wait lang Kyla, maluluto na to kakain na tayo pag tapos ha."

56 palang si Mama kaya kahit anong gawaing bahay ay kayang kaya niya. Yung mga kapatid ko ay may mga sariling Pamilya na, minsan bumibisita sila dito kay mama.

"Mama kelan bibisita sila ate dito?"Tanong ko kay mama habang kumakain kami.

"Baka next week pupunta dito."

Malaki ang bahay nila Mama, hanggang 2nd Floor kaya minsan nakakabingi ang katahimikan dito eh.

Minsan mahirap hanapin si Mama dito kasi nga malaki ang bahay.

Noong una okay okay pa ang pakiramdam ko dito sa bahay namin, pero nung mga tatlong araw ko may mga hindi magandang nangyayari dito.

Tulad noong isang Gabi, habang nagtutoothbrush ako sa aming Banyo. May narinig ako sa taas na parang nahulog. Lumabas ako sa CR at nakita ko si Mama sa sala.

"Maaa ano yung nasa taas?"

Tumingin lang sa akin si mama tapos lumabas siya ng bahay, ang weird niya kaya umakyat ako sa taas para tignan.

"Ohh Kyla andyan ka pala. Tulungan mo nga ako dito. Nahulog kasi tong Box ehh."Bungad sa akin ni mama sa kwarto niya dahil andito pala si mama..

"Nakita kita sa Baba ma?"

"Ha? Kanina pa ako andito nakahiga.. Nagulat lang ako dahil nga nahulog tong box sa aparador."Takang sagot ni mama.

Binalewala ko nalang yun at tinulungan ko nalang si mama noon. Akala ko wala lang yun pero habang tumatagal mas lumalala ang nangyayari.

Minsan nakikita ko si mama sa baba ang sama ng tingin sa akin. Pero mamaya maya ay kakarating lang ni Mama galing Labas.

Minsan pa noong umuwi si papa kinuwento ko pa mga nangyari, pero hindi niya ko pinaniwalaan hanggang siya pa yung nkakita doon.

Sabi sa akin ni Papa na nakita daw niya si mama sa kwarto habang nagtitiklop ng damit.

Tinatawag niya daw ito pero hindi niya pinapansin hanggang nainis daw ito at tumayo para pumuntang CR sa kwarto nila.

Maya maya daw pumasok sa Kwarto si Mama, sabe pa nga daw niya

"Wow ang galing naman ni Daddy ko nagtitiklop." Agad daw tinignan ni papa ang CR at nakita niyang walang tao.

Kinabahan daw siya noon, pero binalewala niya nalang..

Ang huli kong karanasan noon ay ang hindi ko makakalimutan..

Kagigising ko lang noon at bababa na upang kumain.

Nakita ko si mama na naghihiwa nangnbaboy.. Pero iba yung pag hihiwa niya.. Para siyang nagkakatay ng baboy at walang emosyon sa kanyang mukha.

"Ma! Anong ulam?" Tanong ko dito pero wala siyang kibo.

"Maaa! Ano po niluluto nyo?" Palapit na ko sakanya pero mas lumalakas ang pag palo niya sa mga baboy.

"Mama.. Bak-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tumitig ng masama sa akin si mama.. Ang mata niya ay itim na itim walang puti. Kaya natakot ako at hindi ako makagalaw. Lalo na noong magsalita siya...

"HINDI AKO ANG MAMA MO!!" at pinukpok niya ang kutsilyo sa lamesa.

Tuluyan na kong nahimatay sa takot noon.

Noong nagising ako ay madilim na at nakita ko si mama na mukang nagaalala at si papa. Tinanong nila ako kung anong nangyari.

Sinabi ko lahat at nagulat sila.. Simula noon ay pinablessed nila ang bahay at pina Albularyo si mama dahil baka makita niya ang Doppelganger niya at may hindi magandang mangyari..

Simula noon ay hindi muna ako dumalaw sa aming bahay dahil trauma padin ako hanggang ngayon dahil nakakatakot makakita ng Galit na Galit na Doppelganger.

CTTO: https://creepypasta.fandom.com/wiki/Your_Doppleganger

End

Salamat sa Pagbabasa! 🥰

13
$ 2.22
$ 2.22 from @TheRandomRewarder
Sponsors of YourHappiness
empty
empty
empty
Avatar for YourHappiness
3 years ago

Comments

wow creepy 😣

$ 0.00
2 years ago

Actualy wala pa akong karanasan pero may kwento yong tropa ni jowa about doppleganger.

$ 0.00
3 years ago

hehe thank you 😊

$ 0.00
3 years ago

Hey, Best of luck dear🥰 Keep writing articles & I'll also keep reading you. N.B. I'm from your Noise.Cash post🥰

$ 0.00
3 years ago

Ohh thank you dear.. Sorry my article is Tagalog but I will write soon an english Article 😊😉

$ 0.00
3 years ago

❤️

$ 0.00
3 years ago