May Magiging Tayo ba?

0 5
Avatar for Yopie
Written by
3 years ago
Topics: Story

Written by: Yopie

Ako si Carl 25 years old at may nais akong ikwento sainyo, ito ay tungkol sa babae at lalaking nagkakilala sa hindi inaasahang dahilan itago nalamang natin sila sa pangalang Karlos at Anne.

“Aking pagtataka, may magiging tayo ba talaga?”

Chapter 1: Unang Pagkikita

Una silang nagkita, sa isang panaginip parehas na mahimbing ang tulog. Nanaginip sila parehas na tungkol sa babae at lalakeng nag uusap, hindi familiar kay Karlos kung sino itong babaeng kausap nya sa panaginip, ganun din kay Anne na hindi man lang nya malaman kung sino ang kausap nyang lalake.

Nagising silang parehas, same time and not the same place, parehas silang naligo, parehas na kumain, parehas na nag sipilyo, at parehas na umalis papuntang trabaho.

Nagkasalubong silang parehas pero hindi napansin ni Anne dahil nga hindi nya kilala si Karlos, pero si Karlos ay napalingon at tila iniisip na nagkita na sila dati. Hindi na nya ito pinansin at tumuloy na sa kanyang trabaho, ganun din si Anne.

(Karlos POV)

“Goodmorning guys!” Pagbati ko sa aking mga ka trabaho.

“Goodmorning den” Pagbati naman ng aking mga katrabaho sa kanya.

“Ganda ata ng gising mo ngayon Karlos ah?” Ang sabi ng matalalik kong kaibigan na si Ben.

“Hindi ka pa nasanay Ben haha” tugon ko naman sakanya

Nagsimula na akong mag trabaho, at may bigla akong naalala tungkol sa panaginip ko kagabi.

“Oy Ben” pabulong kong tawag sa kanya

“Oh ano?” tugon nya naman saakin

“Alam mo ba, nanaginip ako kagabi tungkol sa isang babae”

“Then?, Happy ka naman?”

“Wala nasabi ko lang, para kasing nakita ko sya kanina. Pero di ko sya kilala”

“Sus, panaginip mo lang yun wag kang mag hangad ng kahit ano”

“Sira ka talaga”

tinuloy ko na ang pag tatrabaho, pero hindi ko parin maalis sa isip ko yung babaeng napanaginipan ko.

(Anne POV)

“oyy anne parang ang lalim ng iniisip mo?” Tanong ng aking kaibigan at katrabahong si Jelyn

“Ahh ano, iniisip ko lang yung lalaking~” hindi ko paman din natutuloy ay nagsalita agad si Jelyn

“Ayy ikaw ha, may boylet kana” Humagik-hik si Jelay at hindi narin napigilang matawa ni Anne.

“Oyy sira, napanaginipan ko lang na curious lang kasi ako at isa pa hindi ko sya kilala”

“Hay naku Anne, panaginip mo lang yan wag kang mag hangad ng kahit ano” tugon ni Jelay

“Oo naman, Sira!”

“Sino ba kasi yung lalaking yun” sa isip isip ko

1
$ 0.00
Avatar for Yopie
Written by
3 years ago
Topics: Story

Comments