(Ecq) pandemya

0 13
Avatar for Yhamzkie
4 years ago

Naalala nyo ba?

sa kwento ng pagliligtas sa mga israelita,

iniutos ng Diyos na manatili sila

sa loob ng kanilang tahanan

upang sila ay maligtas

sa salot na kamatayan

Naalala nyo ba?

sa kwento ng pagliligtas ng mesiyas

sa gabi ng pagtupad sa pagliligtas

nanatili si Jesus at mga alagad

sa isang silid para maghapunan

at maghugas

Pansin nyo ba?

upang tayo ay maligtas sa pandemiko

manatili sa bahay ang utos ng gobyerno

para di mahawa at makahawa tayo

Pero higit sa utos ng gobyerno

mas napansin ko ang pagkilos ni Kristo

muli niya tayong pininid sa tahanan

nang sa pagdaan ng kamatayan

di tayo mapabilang

Ipininid Niya tayo sa tahanan

kung saan tayo ay makakaramdam ng kaligtasan

mahugasan paalis ang mikrobyo dulot ng kasalanan

makapag salo salo sa hapag para resistensya ay lumakas

Mas napansin ko ang kadakilaan ni Kristo

ang pandemikong ito ay naganap

sa panahon ng pagalala natin sa kanyang kamatayan

gayon din sa muli Niyang pagkabuhay

Mas nadama ko ang pagmamahal ni Kristo

sa kabila ng pagdami ng mga apektado

dumami pa ang nagdarasal para matapos na ito

at inilapit tayo sa ating mahal sa buhay

na nalilimutan natin dahil sa ating trabaho

Naalala ko pa,

paano daw magdasal sabi Niya?

MAGKULONG sa isang silid,

ipinid ang pinto at mga bintana,

at buong kababaang loob

na sa Ama ay dumulog

At, sa palagay ko

ang mabisang gamot sa pandemiko

habang naka - lockdown

mag -bow down,

Magdasal nang may kababaan

(hugasan ang kamay na simbolo ng pagdarasal)

para ang koronang sakit

gawin muli ni kristo

na koronang langit.

2
$ 0.00

Comments