Nagsisimula ang pelikula sa China, ang mga babae noon ay pangasawa lng o “marriage material”. Ang mga importanteng gawain ay lahat panglalaki, ito ang contexto ng storya. Nagsimula na may isang babaeng Tsina, Mulan, Siya ay mabait na babae na mahal na mahal ang kanyang magulang. Tapos may isang araw na umutos ang emperador ng China na tumawag ng isang lalake sa bawat pamilya para lumaban sa digmaan, kasi ang kaaway o ang “Huns” ay nakapasok na sa China. Walang kapatid na lalake si Mulan, kaya ang tatay niya pa rin ang kailangang pumunta, pero matanda at mahina na siya. Nakita ito ni Mulan, kaya tumakas siya sa bahay, at sinuot ang damit ng kanyang tatay para lumaban sa digmaan. Doon ay magaling siya, mas magaling pa kay sa sa ibang lalake. Pero sa huli, nalaman ng iba na siya ay babae, Pero hindi ito tumigil sa kanya, natapos ang storya noong naligtas ang China at ang buhay ng emperador dahil kay Mulan
Suri ng Mulan (Feminismo)
Limang dahilan kung paano nakaka”empower” ng kababaihan si Mulan. Ang unang dahilan ay kung paano nasira ni Mulan ang estereotipo na ang babae ay palaging pambahay. Sa lipunan ngayon madami ang sumasabi na ang babae ay dapat magalaga sa mga anak niya sa kanyang bahay. Bilang isang peminista, naipapakita ni Mulan na hindi lahat ng babae ay sa bahay lang dapat. Puwedeng iba ibang trabaho sila, kahit nga lumaban sa digmaan ay kaya nga ni Mulan. Pagkatapos panoorin ang Mulan ay aalamin ng mga tao, na kahit anong trabaho ay puwede sa babae, gaya ng lalake rin sila.
Ang pangalawang dahilan ay nasira ni Mulan ang byolohiko na pagkakaiba ng babae at lalake. Alam naman natin na mas malakas ang lalake kaysa sa babae, dahil sa byolohiko nila, pero dahil dito nahihirapan ang mga babae sa pagpursue ng mga gusto nila. Ang mindset nila kasi ay parati: kahit anong galing ko, hindi pa rin ako makakumpara sa lalake. Si Mulan naman, kahit may byolohiko na pagkakaiba ay natalo pa rin ang mga ibang lalake sa laban, sa lakas at sa pagtakbo. Nasira niya ang estereotipo na parating mas mahina ang babae dahil sa byolohiko, ang mindset ng babae ngayon ay: basta sipag ay kaya ko rin talunin ang mga lalake.
Ang pangatlong dahilan ay nasira ni Mulan ang estereotipo na bobo at walang kaya ang mga babae. Sa lipunan ngayon, ang mga babae ay nakikitang “second class citizen” dahil mas magaling daw ang mga lalaki. Nasira ni Mulan Ito noong natalo niya ang Huns at noong naligtas niya ang emperador. Sa pelikula nga, noong nailigtas ni Mulan ang emperador, lahat ng China ay yumuko sa kanya, nagbow sila lahat, pati ang emperador. Hindi siya second class citizen, bayani nga siya. Sobrang malaki at galing ang nagawa ni Mulan, at hindi ito dahil sa lalake.
Ang pangapat na dahilan ay nasira ni Mulan ang estereotipo na pinakamababa ang babae sa Chinese na pamilya. Dahil alamin natin na sa Chinese na pamilya parati pinakamababa ang mga babae, kaya parati silang inaapi at sila ang “useless” sa pamilya nila. Sa Chinese nga may konsepto na ang surname ay panglalaki lang, dahil tutal aalis naman ang babae pagkatapos magkasal sila. Ang babaeng miyembro ng pamilya ay pinakamababa, nasira ni Mulan Ito noong sa pamilya niya, siya ang pinakamagaling. Binigyan pa nga siya ng emperador ng medalya ng emperador na nagsisimbolo ng “bringing honor to your family”.
Ang huling dahilan kung paano nagempower ng kababaihan si Mulan ay noong pinakita niya, na hindi lahat ng lipunan ay tumitingin ng mababa sa babae. Ang mindset kasi ngayon ng babae ay: lahat ng tao sa lipunan ay tumitingin ng mababa sa akin dahil ako ay isang babae, kailanman ay hindi ako matatanggap ng tao na normal na tao rin ako at kaya ko ang lahat na kaya ng lalaki. Pero hindi naman Ito totoo, madaming susuporta sa babae kahit na madami rin ay ayaw sa kanila. Sa pelikulang Mulan nakikita natin na sa huling banda na, noong naholdup ang emperador, gustong isira ng Heneral ng hukbo ang pintuan para makapasok sila at mailigtas ang emperador. Pero alam ni Mulan na sobrang tagal iyon at hindi aabot sa pagligtas ng emperador. Kaya sinabihan niya sila, isang sabi niya lang ay sinundan kaagad siya ng tatlong kaibigan niya, at mismo nang heneral, tapos sa huli naligtas nila ang emperador. Ang ipinapakita nito ay hindi basta babae ka, wala ka nang pagasa at walang susporta sayo. Bilang tao lahat ay nangangailangang ng suporta, at meron ang mga babae nito. Sa huli ang Mulan ay isang “Eye Opener” sa meron at kaya ng kababaihan, importante ito ngayon dahil sobrang daming babae ay inaapi at hinuhusga.