Twin Hike Part 1( Mt. Hapunang Banoi)

14 40
Avatar for Yen
Written by
4 years ago

Isusulat ko na lamang ito sa tagalog sa kadahilanang medyo tuyot na yung utak ko pero gusto ko gumawa ng artikulo.

Nais ko lang ikwento yung nakakatuwang karanasan ko noong unang beses na nag twin hike kami. Sobrang dami naming plano ng mga katrabaho ko noon pero kahit isa wala naman natupad hahaha. Excited mga mamundok pero noong eksaktong petsa na dalawa lang kami ni Justin na tumuloy 😂😂 Eto nga pala si Justin. Travel buddy ko yan noong mga panahong wala pakong jowa 😄

Itong larawan na ito, picture namin yan habang hinihintay namin yung iba naming kasama sa aming meeting place 😄

A day before ng akyat namin, magkachat na kami ni Justin, sabi ko sa kanya hati nalang kami sa foods na babaunin namin, sa kanya na yung pack lunch tapos sa akin na yung trail snacks. Nasa puregold ako non at walang kaalam alam kung anong bibilin kaya literal na snacks yung binili ko. Mga 150 worth of snaks 😂 Mga chichirya ganon hahaha kaya yung bag ko nung hiking napuno dahil sa mga snacks na yan 😂 Mamaya ko na kwento kung ano lunch na ihanda ni Justin 😄

So kinagabihan, hindi ako makatulog kasi excited ako talaga, yung tipong nakapikit lang ako pero mayat mayat tingin ako ng tingin sa oras ng cellphone ko. 3 AM yung meet up namin non. Hulaan nyo kung saan? Aba syempre sa Farmers HAHAHAHA. Mga 2AM gumayak na ako, Sta Mesa lang ako kaya mga 2:30 yata nasa Farmers nako. Madaming tao dun, first time ko maging joiner kaya diko alam kalakaran. Nagmasid lang ako noon , kadami palang aakyat ng bundok. Pinagmamasdan ko lang sila. Yung sapatos nila, yung damit, yung bag 😂 Habang hinihintay ko si Justin naglakad lakad muna ko at iniisip kung sino kaya doon yung mga makakasama namin.

Dumating na si Justin , hinanap nadin namin yung mga kasama namin. Nagkita kita na kami tapos sumakay na kami sa van na service namin. Nakipag unahan kami sa front seat para masarap yung pwestuhan hahaha. Mga 4AM nakarating na kami sa Rizal. Nagmeeting muna kami bago umakyat, pinaliwanag lang yung mga dapat at hindi dapat gawin habang umaakyat ng bundok. Nag pray tapos sinimulan na namin umakyat.

Medyo madilim dilim pa yun nung nag umpisa kami. Eto na talaga yun. hahaha Medyo ramdam na namin yung pagod tapos sabi ng tour guide e wala pa daw kami sa paanan ng bundok hahaha. Nakakausap na namin yung mga iba naming kasama kaya kahit papano napapalitan ng saya yung pagod namin kasi halos lahat first timer.

Huminto kami saglit para magpapicture kasi sabi ni tour guide maganda daw yung effect nung silhouette . Hindi nadin kami nagtagal kasi mas madami pa daw magandang tanawin sa taas.

Habang naglalakad kami, kinausap ko yung tour guide. Sabi ko nakakapagod umakyat pero bakit ang dami padin umaakyat ng bundok. Sabi nya sakin, kapag pagod ka naman pwede ka naman magpahinga. Wag mo pilitin sarili mo kapag pagod kana, umaakyat kasi ako kasi iba yung pakiramdam kapag nasa bundok ka. Oo nakakapagod pero iba yung nabibigay na kaligayan. Siguro hindi ko pa maiintindihan kase pangalawang beses ko palang na aakyat. Yung unang beses ko , hindi ko din maipaliwanag yung pakiramdam ko nung nakita ko yung summit e. Iba talaga, parang ang saya ng puso ko nun.

Mga 9AM huminto ulit kami para mag snacks. Nahihiya ako ilabas yung mga chichirya ko sa bag hahaha. Yung iba wala dalang baon, yung iba naman jelly ace lang ganon. Lalo ako nahiya ilabas yung mga binili ko haha kaya paisa isa lang labas ko tapos tatanungin ko sila, gusto nyo? Natawa talaga sila kasi ang dami kong dala. hahaha Parang magpipicnic lang daw e haha.

Mga bandang 10AM nasa summit na kami. Ang challenging ng daan papunta ng summit kase puro bato tapos yung sapatos ko yung tig 200 lang na nabili ko sa crossing 😄 Nagpicture picture muna kami sa summit syempre tapos tambay para madami picture haha

May behind the scene yung shot na yan hahaha. Pangiti ngiti lang ako nyan pero nangangatog na ako nyan hahaha

Eto yung BTS 😄 Tinulungan ako ng organizer kasi nangangatog talaga ko at hindi ko matanggal yung paa ko sa pagkakaapak. Bet na bet ko naman yan kasi crush ko yung organizer hahaha.

Ito yung group picture namin sa summit ng Mt. Hapunang Banoi.

After nyan bumaba na kami tapos naglunch na muna. Pero sa next article kona yung ikukwento kung ano yung lunch namin ni Justin hahaha 😄

Itutuloy.....

7
$ 0.00
Sponsors of Yen
empty
empty
empty
Avatar for Yen
Written by
4 years ago

Comments

That's so cool :") you got to go mountain climbing

$ 0.00
4 years ago

Yes. Bago ko nakilala asawa ko 😄

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Don't u do that with him now?

$ 0.00
4 years ago

Nakapag twin hike din kami together once. Tje rest puro travel nalang hehe.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Sana all nakakatravel together :""

$ 0.00
4 years ago

Ang saya talaga mag hiking 😊 nakakawala nang stress..

$ 0.00
4 years ago

Oo haha. Kahit iika ika kana lumakad papasok ng trabaho kinabukasan 😂 Inom nalang ng alaxan e.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Haha laban lang alaxan 😂 masakit tlaga yan pag di ka sanay maglakad, or di ka masyado banat..

$ 0.00
4 years ago

Oo kinabukasan mo mararamdaman e haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Para kang binugbog nang maraming beses hahahaha parang na hazing sa sakit 😂

$ 0.00
4 years ago

Simple, elegant and beautiful

$ 0.00
4 years ago

Salamat 😄

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Ur welcoMe

$ 0.00
4 years ago

Great activity for sure.

$ 0.00
4 years ago